Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelo Carreon, posibleng gumawa ng project kasama ang Megastar

NATUWA kami nang nakita ko sa Facebook na may photo si Angelo Carreon kasama ang Megastar na si Sharon Cuneta. Kaya nag-pm ako sa kanya para usisain kung may project ba siya with Sharon.

“Yes po, soon. Show po yata ang gagawin namin, pero not sure pa po,” saad sa amin ni Angelo.

Dagdag pa niya, “Sabi po kasi ni Tita Shawie sa akin, ige-guest niya po ako very soon, hindi ko po alam kung saan at kailan.

“Kay Tita Imelda (Papin), katatapos lang po ng concert namin dalawa, then may show po ulit kami by March po yata. Sobrang saya ko po sa support niya sa akin, lalong-lalo na po sa mga show na mag-kasama kami ni Tita Imelda. At ipapasok niya raw po ako sa Actor’s Guild.”

Nabanggit din niya sa amin na marami nga siyang pinagkakaabalahan ngayon. Bukod sa pelikula, may mga TV guesting din siya at product endorser na rin. Kaya  masaya si Angelo sa mga development sa kanyang career.

“Yes po, masaya po ako ngayon sa nangyayari sa career ko dahil nakikita ko po ‘yung improvement at pagkakaiba kaysa rati. Sa pag-improve rin po ng talent ko, mas marami rin po ang shows and projects,” saad ni Angelo.

Dagdag niya, “Katatapos lang ng contract signing ko po bilang isang Official Kahamis endorser na ang CEO/President ay si Mr. Melbert De Padua. Kaya pursigido po ako sa pagpo-promote sa napakagandang produktong ito. Nag-photoshoot din kami para ilagay sa Kahamis soap, tarpauline, poster, flyers at iba pa.”

Ayon pa sa kanya, niluluto na rin ang unang pelikulang pagbibidahan niya.

“May Indie film po ako at mga film na gagawin pa namin this year. Waiting na lang po sa script, then planning na po kami para sa shoot date and location. Wala pa pong final title, actually gagawin po namin ‘yung kuwento ng buhay ng CEO/President  po  namin sa Kahamis, ako po ‘yung lead role at si Eman Bas po ang director.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emma Tiglao

Emma Tiglao sinabihang ‘makapal ang mukha,’ management ng resto nag-sorry

MATABILni John Fontanilla NABASTOS daw si 2025 Miss Grand International Emma Tiglao ng isang waiter na tinawag siya …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …