Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pag-aayos kina Erich at Daniel, superficial lang

ANG strength ng Star Magic (ng ABS-CBN) pagdating sa pangangalaga ng kanilang mga artista ay ang husay nitong magwalis ng kanilang ikinalat. Kumbaga, sila rin ang naglalapat ng lunas sa sugat na kanilang nilikha.

Naulit na naman ang ganitong estratehiya nang pag-ayusin nila sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales.

Nanganganib na kasing isiwalat ni Erich ang katotohanan sa kanilang breakup, pero napigilan ito with the intervention of Star Magic. Pinag-usap, pinag-ayos, nilitratuhan ng magkasama as though walang nangyari.

Kung ano nga naman kasi ang maaaring ilantad ni Erich tungkol sa kung ano ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Daniel wouldn’t leave a good impression on the network.

Image-conscious and protective of their talents, kagyat na iniligpit ng ABS-CBN ang isinaboy bilang kalat finding its way into the garbage bin para roon na mabulok at hindi na mapakinanabangan pa ng mga mangangalakal na scavengers (in this case, para hindi na pagpiyestahan ng publiko).

Pero sabi nga, a picture can paint a thousand words. Hindi man nagsasalita ang mga larawan nina Daniel at Erich splashed on social media, obvious na pilit o put-on lang ang kanilang mga ngiti.

So, sa bandang dulo ng lahat nang ito’y isa lang ang malinaw na katotohanan. Tulad nina Erich at Daniel, we are all like pawns in the game of chess.

Labag man sa ating kalooban ang isang bagay na pilit na ipinagagawa sa atin, we’re left with no other choice but to obey.

Mahirap kung sa mahirap when caught in this situation. In French, they refer to it as ”cul-de-sac,” isang kalagayan na walang pagtakas.

But those photos na kuha kina Daniel at Erich were just meant to undo the damage. Pero superficial lang ang nilapatang lunas ng Star Magic.

No relief from this emotional ailment could be achieved sa kanilang US tour. Show ‘yon, ‘di ba? Asahang for a show din ang kanilang ka-sweet-an for the fans.

After hurting words have been spoken, the least that Erich and Daniel can do as mature, decent people is try to become friends, bagay na hindi na siguro nasasaklaw pa ng kinabibilangan nilang estasyon.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …