MARAMI-RAMI na rin palang opisyal/kagawad ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang masa-sabing mayaman sa kabila na wala naman silang negosyo.
Paano kaya nangyari iyon, e wala naman daw korupsiyon sa BFP? Wala nga ba? Oo, wala! BFP kaya iyan. Pulos sunog lang ang mayroon sa BFP.
So, walang korupsiyon sa BFP. Sige na nga. Pero sabi ng alaga nating insider… iyon ang pagkakaalam ninyo. Pero meron daw. Ha!
Wala nga!? E, ano itong patuloy na info na talamak ang korupsiyon sa BFP?
Talamak!? Totoo bang may korupsiyon sa BFP?
Nitong nakaraang linggo, tinalakay natin ang travel allowance para sa mga Fire Safety Inspector (FSI). P60 ang bawat FSI na may hawak na inspection order (IO) para sa ‘sasalakaying’ establisiyemento.
Kung titingnan, barya lang ang P60.00 pero kung susumahin ito, milyon ang naturang pondo.
Anyway, ang naging isyu sa travel allowance ay… kung totoo kayang hindi naibibigay ang P60 sa mga inspector sa kabila na pinapapirma sila sa voucher bilang patunay na natanggap nila ang allowance?
Totoo din kaya na kapag hindi sila pipirma sa voucher ay hindi sila makakukuha ng IO?
Isang pang isyu… kapag walang IO kasi, hindi makalalakad ang inspector at sa likod ng IO ay may… malaking salapi na naghihintay. Kaya, okey lang din sa mga FSI kung walang travel allowance basta may IO.
Sa IO nangingikil ang isang inspector.
Ano ang IO? Ito ang sandata ng FSI para magsagawa ng inspeksiyon sa isang establisiyemento para makita kung may violation… at kung may violation? Tiba-tiba na ang FSI maging ang ilang pakuya-kuyakoy na ilang tiwali sa lokal na tanggapan ng BFP.
Makikinabang din kasi sila sa ‘kotong’ ng kanilang inspector.
Oo nga pala, sa loob ng isang araw, umaabot sa 1,000 IOs ang lumalabas o depende sa laki ng isang siyudad o bayan. Meaning kung 1,000 IOs kada araw, mayroon P60,000 (kada araw) na travel allowance ang naibubulsa? Totoo ba ito?
Ang Quezon City ay malaking siyudad ha… daming establisiyemento. So, malaking travel allowance ang involve? Tanong lang ha, hindi kaya ibinibigay ng QC Fire ang travel allowance para sa kanilang FSI?
QC Fire Marshal Sr. Supt. Manuel Manuel, paki-check ang mga tauhan mong in-charge dito, alamin po ninyo kung hindi nga ba naibibi-gay ang travel allowance sa kabila na pirmado ang bawat FSI bilang patunay na natanggap ang allowance.
Ngayon, ituloy natin ang SOP (save our pocket) issue sa BFP. Iyan lang naman ay kung may SOP sa BFP.
Sa ‘kita’ sa bawat IO, mga FSI lang ba ang nakikinabang rito?
Paano ba ang kitaan sa IO at magkano? Iyan lang naman ay kung mayroon. Anyway, ito ay depende sa kung ano-anong violations na makita o (gawa-gawang violation ) ng isang FSI sa sinalakay na gusali. Pero ang simpleng kitaan muna ay sa fire extinguisher pero malakihan kapag ang isang gusali (5-storey) ay walang sprinkler. Tiba-tiba sila nang hanggang P200,000. Ganito kalaki ang ‘lagay’ na halaga ng pagpapagawa ng sprinkler ay umaabot sa milyon. Kaya mas tipid nga naman kung maglalagay sila sa FSI kaysa magpalagay ng sprinkler. Lamang, taon-taon silang kokotongan sa tuwing magre-renew ng Fire Safety Inspection Certificate (FSIC). Siyempre, sa P200,000 hindi lang FSI ang nakikinabang kundi maging ilang opisyal. Sinong (ilang) opis-yal? Ang mga pumipirma ba sa FSIC? Nagtatanong lang po tayo ha at hindi nag-aakusa.
Kayo po Col. Manuel, bilang fire marshal sa QC, di ba pumipirma ka sa FSIC?
Nakikinabang ka ba sa kalokahang ito? Hindi naman, ‘di ba sir? Kayo rin mga fire marshal sa iba’t ibang sangay ng BFP sa Metro Manila, naki-kinabang ba kayo sa FSIC? Naturalmente ang sagot ay hindi.
Napag-usapan na rin lang ang FSIC, araw-araw pala kumikita sa certificate ng P3,000-P5,000 ang bawat (ilan) inspector. Kaya pala kahit walang travel allowance basta’t may IO. Ang P3K-P5k kitaan ay sa mga simpleng establisiyemento lang habang P7k to P10K naman kapag mga bahay-aliwan, night clubs, res-tobar, gaybar, sauna, spa at iba pang tulad nito.
Marami kasing nakikitang violation sa mga bahay aliwan.
Karamihan ay walang fire exit.
Sa susunod ulit! Ngayon, may korupsiyon ba sa BFP?
AKSYON AGAD – Almar Danguilan