UMAPELA si Senate President Aquilino Koko Pimentel III, sa law enforcers, na pairalin ang common sense sakaling arestohin si Sen. Leila de Lima kaugnay sa drug cases.
Ayon kay Pimentel, sakaling isilbi ng mga miyembro ng Philippine National Police, ang warrant of arrest laban kay De Lima, nawa ay huwag silang istorbohin sakaling nasa sesyon sila sa Senado.
Kailangan din aniyang makipag-ugnayan ang mga pulis na magpapatupad ng warrant of arrest, sa Senate security officers.
Matatandaan nitong Biyernes, naghain ng tatlong magkakahiwalay na criminal complaint ang Department of Justice sa Muntinlupa Regional Trial Court laban sa senadora.
May kaugnayan ito sa sinasabing pagkakasangkot ni De Lima sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid prison, noong siya ay kalihim pa lamang.
Samantala, binigyang-diin ni Pimentel, hindi maki-kialam ang Senado kapag iniutos ng local court ang pag-aresto kay Leila de Lima. “Dito papasok ang separation of powers… Hindi po dapat nakikialam ang ibang branches. So respeto lang po tayo,” pahayag ni Pimentel.