Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion Aunor, patuloy na hinahasa ang talento sa musika

KAHIT na nakagawa na si Marion Aunor ng maraming awiting naging hit hindi lang para sa sariling album, kundi maging sa ibang magaga-ling na artist, patuloy na hinahasa ni Marion ang kanyang ta-lento sa larangan ng musika. Kahit nakapagtapos na siya sa Ateneo de Manila University, nalaman namin na ngayon ay nag-aaral muli ang ta-lented na anak ni Ms. Lala Aunor. This time, may kaugnayan ito sa pagi-ging songwriter ni Marion.

Bakit niya naisipang mag-aral muli?

Sagot ni Marion, “Kasi ‘di ba songwriter ako, pero never akong nagkaroon ng formal na training talaga para diyan. Dream school ko talaga itong school na pinapasukan ko ngayon, pero sa online lang. Berklee College of Music sa Boston, State.

“So hayun, ‘yung sister ko kasi (Ashley Aunor) ay nagte-take up ngayon ng Music Production doon din sa school na iyon. So ini-encourage niya ako na kumuha din ng Song Writing courses, so ayun, sabay kami.

Gaano katagal ‘yun? “Yung sa akin, certificate course lang. So nine units, so baka next year tapos ko na ‘yun. Yeah, one year lang bale.”

So, mas lalo mong hinahasa ‘yung talent mo sa paglikha ng musika? “Yes, siyempre, para ano, para ma-kagawa ng maraming hit songs specially nagbibigay ako ng kanta sa ibang artists din. Siyempre, gusto ko swak sa level nila,” nakangiting saad ni Marion nang makapanayam namin.

Sinabi rin ni Marion ang latest sa kanyang album.

“Ngayon ipino-promote ko na single ay ‘yung sinulat ng kapatid ko na si Ashley na Ako Siguro. Eto ‘yung music video na finilm pa namin sa New York noong nag-show ako roon and finally this year, ilalabas na namin.  Ilalabas  namin ‘yung single roon sa MOR radio station.

“So, abangan n’yo ‘yung latest single ko, ang Ako Siguro, still part of my second album called Marion. Puwede n’yo na rin ‘yan i-request sa MOR11.9 and sa Myx ‘pag lumabas ang music video. Basta stay tuned and ia-update ko sa mga account, facebook.com/MarionAunorOfficial and then mayroon akong instagram at Twitter, marionaunor.

“Plus, abangan ninyo ‘yung kanta kong Lantern doon sa album ni Ms. Sharon Cuneta and of course ‘yung kanta na Last Message doon naman sa album ni Jona.”

Mapapanood din si Marion sa mga show sa Feb. 25 na P.A.R.E. O. Sa Dubai naman ay may show sila ni Ashley sa April 28 kasama ang banda ni Marion at sina Ebe Dancel, Sandwich and Gloc 9. At sa Robinson’s Malolos sa March 18, makakasama naman ni Marion ang Harana boys.

ALAM MO NA – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …