Friday , December 27 2024

Mocha, magre-resign na sa MTRCB!

MAINIT na pinag-uusapan ngayon ang video post ni Mocha Uson sa kanyang blog ukol sa hamon niyang magre-resign sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil tila nababalewala ang misyong niyang matanggal ang self-regulation at SPG sa telebisyon.

Aniya, bago pa man siya itinalaga bilang isa sa Board Member ng  MTRCB, misyon na niyang matanggal ang soft porn at ang mga hindi angkop na eksena sa telebisyon.

Tinalakay ni Mocha sa kanyang video post ang mga reklamong dumating sa kanya, ito ay ukol sa pilot episode ng The Better Half na pinagbibidahan nina Shaina Magdayao, JC De Vera, Denise Laurel, at Carlo Aquino na ipinalabas noong Lunes gayundin ang Ipaglaban Mo na may temang rape noong Sabado, sa ABS-CBN2.

“Ang reklamong ito hindi lang galing sa akin, may public pressure na kung bakit nakalulusot ito sa akin (rape scene sa Ipaglaban Mo at iyong haba ng halikan, nakapatong na babae sa lalaki sa The Better Half),” sambit ni Mocha.

Aniya, ayon sa kanyang imbestigasyon, hindi nirebyu ang episode ng Ipaglaban Mo na lumabas noong Sabado. ”Ang sistema kasi, ang nakasananayan nang kalakalan niyong dating pamunuan ng MTRCB, halimbawa, sinabi rin naman ito sa akin sa orientation, halimbawa na may 15 episodes ang isang teleserye, ang iparerebyu lang ay iyong pilot episode.

“Puwedeng hindi ganoon kalaswa (ang pilot episode). Ang mga susunod na lalabas na eksena magse-self regulate na ang mga TV network. Doon ko nakikita ang problema kaya gusto ko matanggal ang SPG at Self Regulation dahil inaabuso nila ang pribelehiyong ito.”

Ginamit daw ng Ipaglaban Mo ang self regulation kaya naipalabas iyong rape scene.

Ukol naman sa The Better Half, sinabi pa ni Mocha na tatlo lamang mula sa 30 bumubuo na board member ng MTRCB ang nag-rebyu nito. Pumipili lamang ng tatlo ang chairman ng MTRCB sa kung sino ang magrerebyu ng isang palabas.

Dagdag pa ni Mocha, ang telebisyon ay general public viewing kaya dapat ang ipinalalabas dito ay appropriate for all ages, dahil maraming kabataan ang nakakapanood.

“Ang G is for general audience, rated PG naman for parental guidance na maaaring may mga eksenang hindi angkop sa kabataan kaya inire-require ang parental guidance. Sa SPG, strong parental guidance, ginagamit ito para makalusot ang mga malalaswang eksena dahil ang SPG in fact, under PG pa rin ang classification. Ang maximum allowable na mga eksena roon ipinapasok sa SPG, ginagamit ito para maipalusot, maipalabas ang mga eksena ng tulad ng mga inirereklamo.”

Sinabi pa ni Mocha na,”kahit anong gawin ko na magkaroon ng pagbabago sa MTRCB at sa mga palabas na programa, wala ring mangyayari, iisa lang ako sa board members.

“Trenta ang board members, ang iba pa roon ay mga nakaupo na rati pa sa rating administrasyon at may mga nakasanayan na po silang ginagawa roon. May mga iba roon na hindi sang-ayon sa pagbabago.”

Kaya naman magre-resign na lamang siya dahil sa palagay niya’y walang mangyayari sa kanyang ipinaglalaban dahil nag-iisa lamang siya. Pero iginiit niyang patuloy pa rin siyang tutulong at magsisilbi sa ating bansa.

“Kaya bakit pa tayo nasa MTRCB ngayon? Bakit pa? Ano pang silbi natin d’yan sa MTRCB kung wala ring pagbabago?…na patuloy pa rin ang kalaswaan, violence, kung hindi rin pala susunod ang mga pamunuan, ang mga board member sa direksiyon ng ating bansa na magkaroon ng pagbabago.

“Sayang lang din ang mga tax na ibinabayad sa amin kung nakalulusot din ang mga malalaswang eksena na ipinagmamalaki pa ng mga TV network.

“Ngayon kung ayaw nila sa pagbabagong ito dahil sa may mga taong ayaw ng pagbabago, magre-resign po tayo, but I will still help and serve our country voluntarily.

“I will bring this up to the chairman on Monday kung ano ang magiging feedback ipaaalam ko sa inyo,” giit pa ng singer.

Sa huli, humihingi ng suporta si Mocha sa publiko na patuloy na proteksiyonan ang mga kabataan ukol sa angkop na programang napapanood sa telebisyon.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *