Friday , December 27 2024

Kumusta naman ang Duterte’s economy? Hello P50:US$1!?

ISA ito sa problema ng mga economic adviser o consultant ng mga nagiging pangulo sa ating bansa, hindi sila laging nagsasabi nang totoo.

Kamakalawa nga, nagsara ang palitan ng piso sa dolyar sa halagang P50:US$1.

Ibig sabihin, 49 porsiyento ang taas ng dolyar sa ating piso.

Hindi natin alam kung artipisyal ba ito dahil sabi nga ‘e maraming nagmamani-obra o talagang bagsak ang ekonomiya bunsod ng epekto ng mga nakaraang desisyon ng Pangulo at pagpapasara sa operasyon ng mga minahan na tinukoy ni DENR Secretary Gina Lopez.

Kung hindi man ito naiintindihan ng ilang sector, matinding alarma ito para sa mga negosyante at importers.

Ang kabuhayan ng Filipinas ay matagal nang itinali sa export-import economy.

Kaya nga hindi tayo pinayagang magpaunlad ng industriya na magpapaunlad sa pagmamanupaktura ng mga produktong hindi na natin kailangan bilhin o i-import sa ibang bansa.

Nagtagumpay ang sistemang kapitalismo na ang mga industriya na nanatili sa bansa ay kailangan mag-angkat ng kanilang raw materials.

Kung napaunlad natin ang ating sariling industriya, e ‘di hindi na tayo aangkat sa ibang bansa. At ‘yang pag-aangkat na ‘yan, ‘yan ang kinakailangang gastusan ng dolyares ng mga negosyante.

Kaya kung ang dolyar ay pumalo sa P50:US$1, ibig sabihin, kailangan magdagdag ng gastos ng isang importer o negosyante para sa pag-angkat ng mga produkto o raw materials na kailangan nila.

Totoong kasama ‘yan sa mga business risk. Pero ang dapat na tingnan nang mas malalim rito ‘yung malawak na epekto nito sa ekonomiya natin lalo’t apektado ang maraming negosyante.

Kanino babawiin ng mga negosyante ang karagdagang gastos nila? Siyempre sa consumer.

E sino ba ang consumer? Siyempre ang sambayanang Filipino.

So ‘yan ang tinatawag na chain reaction na ang makararamdam nang huling epekto ‘e ‘yung end users o consumers.

Ang mga consumer, sa ayaw at sa gusto nila kailangan nilang gumastos para sa kanilang pangangailangan.

Ang mga negosyante, kapag hindi na nakayanan ang patuloy na pagtataas ng dolyares, puwedeng magdeklara ng bankcruptcy at isara na lang ang negosyo nila.

Maraming mawawalan ng trabaho. Pero ‘yung mga walang trabaho, kahit walang kita ay mananatiling consumer, may pambili man sila o wala.

Akala ng iba, maliit na bagay lang, o piso, dalawang piso lang ang pinag-uusapan sa pagsasara ng dolyar sa P50.

Mayroon po itong mabigat na implikasyon sa ating ekonomiya.

Ngayon, kung ang kasalukuyang economic advisers and consultants ni Pangulong Digong ay mag-aabang at manonood lang kung ano ang nangyayari sa ating lipunan ‘e hindi sila nakatutulong sa bansa.

Ano kayo mga spectator?!

Nandiyan kayo para magtrabaho at mag-isip kung ano ang mga dapat gawin at ano ang puwedeng maging alternatibo.

Mantakin ninyo, wala pang isang taon ang Duterte administration pero halos mahigit apat na piso na ang itinaas ng dolyares?!

Kung hindi ninyo kaya ang mga trabaho ninyo, aba may panahon pa para mag-esep-esep!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *