ANO na ang nangyari sa kontrobersiyal na labor contractualization? Mukhang nakalimutan na ni Labor Secretary Silvestre Bello III, at parang bula na lamang na naglaho at hindi na siya naringgan na nagsasalita hinggil sa isyu ng contractualization.
Matapos supalpalin ang Department Order 168 na inilabas ni Bello para sa mga manggagawa na lalong nagpapatibay sa contractualization, hindi na nagpakita si Bello at sa halip ay kung ano-ano na ang kanyang inatupag.
Halos siyam na buwan na si Bello sa kanyang puwesto bilang Labor Secretary pero mukhang inutil talagang maituturing dahil walang ginawa para mahinto ang contractualization na patuloy na nagpapahirap sa mga manggagawa.
Ang pangako ni Bello na buwagin ang contractualization ay hindi na talaga naisakatuparan. Nagbago ng posisyon si Bello at lumalabas na kampi na sa mga negosyante matapos sabihing mababangkarote ang mga negosyo kung aalising tuluyan ang contractualization.
Kung ang peace talks na pinamumunuan ni Bello ay naibasura lamang, lalo na ang usapin sa contractualization na kanya nang kinalimutan.
Ano pa ang hinihintay ni Bello…magbitiw ka na bilang Labor Secretary!