Kapag naman lumabas sa iyong panaginip na may humahabol sa iyo, ito’y bilang isa sa paraan mo sa pagharap sa takot, stress at iba pang sitwasyon na nakaka-engkuwentro mo kapag ikaw ay nasa estadong gising. Na sa halip na harapin ang sitwasyon ay tinatakasan mo at iniiwasan ito. Piliting malaman kung sino ang humabahol sa iyo dahil posible kang makakuha ng clue ukol sa pinanggagalingan ng nararamdamang takot at pressure. Maaari rin na nagsasaad ito na karaniwang hinahabol ang nanaginip ng tao, hayop, mga kakaiba at nakakatakot na nilalang. Nagsisilbing wake up call daw ang ganitong panaginip. Maaari raw kasing ikaw ay may isang bagay na hindi mo maamin sa iyong sarili. Ang mga elementong humahabol sa iyo gaya ng tao o hayop ay siyang nagre-represent naman ng mga bagay na hindi mo matanggap. At ang mga negatibong enerhiya at masasamang nilalang ay sumasalamin sa mga bagay o aral na dapat mong matutunan.
Kapag nakakita ng bed o kama sa panaginip, nagre-represent ito ng iyong intimate self and discovery of your sexuality. Kapag natutulog sa sariling kama sa bungang-tulog mo, may kaugnayan ito sa security and restoration of your mind. Maaaring may kaugnayan ito sa paghahanap ng domestic bliss, katahimikan o may kaugnayan sa pag-iwas o pagtakas sa reyalidad.
Ang panaginip ukol sa rape ay karaniwan ding nararanasan ng mga taong naging biktima mismo ng ganitong uri ng karahasan. Maaari rin namang nagsasaad ito ng sexual disfunction o uncertainty.
Señor H.