ANG salamin sa main entry ay kadalasang good feng shui sa ilang kadahilanan, ito ay nagdudulot ng higit na liwanag sa maliliit na entry, nagsisilbi bilang tagasuri, sa practical level, sa iyong sarili bago umalis ng bahay, at nagdaragdag ng “touch of luxury” (kung ang mirror frame ay glamorosa at kakaiba)
Gayonman, kung mayroong bad feng shui sa paggamit ng salamin sa main entry na mahalagang ating malaman, ito ay salamin na nakaharap sa pintuan.
Tiyaking iiwasan ang ganitong sitwasyo sa inyong bahay.
Salamin na nakaharap sa hagdan
ANG inyong hallway ay maaaring makinabang sa salamin katulad ng main entry, at ito ay maaari sa malaki at maliit na hallways.
Ang dapat lamang iwasan ay salamin na nakaharap sa hagdan. Bakit? Ang hagdan ay ikinokonsiderang “challenging” sa feng shui, saan man bagua area ito ng bahay naroroon.
Ang paglalagay ng salamin na nagre-reflect sa hagdan ay dinodoble ang maligalig at ungrounding energy ng hagdan.
ni Lady Choi