Friday , December 27 2024
congress kamara

Batas kontra interes ng mambabatas hindi aaprubahan sa Kamara

NOONG una political dynasty ang ibinasura at hindi inaprubahan ng mga mambabatas.

Ngayon naman, tinanggal ang Plunder sa kasong puwedeng parusahan ng kamatayan.

Lumalabas tuloy na maraming tumututol sa death penalty hindi pa dahil sa humanitarian reasons kundi dahil kabilang dito ang kasong Plunder.

Ngayong tinanggal na ang Plunder sa death penalty, may naririnig pa ba tayong tumututol na isulong ito sa Mababa at Mataas na Kapulungan?

Sabi nga ni Senator Panfilo “Ping” Lacson, bakit tinanggal ang Plunder, e capital offense ‘yan? ‘E kung tutuusin mas maraming pinapatay ‘yang Plunder kaysa murder.

“Ang murder isang tao lang ang biktima, pero ‘pag nagnakaw ka sa pondo ng bayan maraming tao ang magdurusa,” paliwanag ni Sen. Ping.

Agree tayo sa sinasabing ‘yan ni Senator Ping.

Hindi natin maintindihan ang katuwiran ng mga mambabatas na pumabor na tanggalin ang Plunder sa death penalty.

Ayon kay Speaker Pantaleon Alvarez, ang Plunder umano ay hindi “crime against a person.”

Ganito eksakto ang katuwiran ng mga mambabatas: “Iba kasi ‘yung plunder.”

“Although it’s a grave offense also, pero kasi ‘pag plunder, what you’re talking [about] is pera.” “‘Yung iba[ng crimes], life talaga [ang naaapektuhan] — rape, murder… they’re really crimes against a person. ‘Yung plunder, also a crime, yes, but it involves money than individuals.”

Nagigimbal tayo sa katuwiran ng mga mambabats na ito?!

Hindi yata nila naiintindihan kung ano ang pandarambong at pagpatay. Ang pandarambong ay masahol pa sa pagpatay!

Kung sa pagpatay, isang pamilya ang naaapektohan, sa pandarambong, niloko na ang taxpayers, ninakawan pa ng pag-asa ang mamamayan at pinaslang ang kaunlaran. ‘Yan ang pandarambong!

Ngayon, nakikita ng sambayanan na ang inihalal nilang mga politiko para makaupo sa puwesto ay hindi kailanman gagawa ng batas na babangga sa kanilang interes.

Klarong-klaro na ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *