Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Amazing: Unibersidad sa England nag-aalok ng PhD in Chocolate

NAGHAHANAP ang isang unibersidad ng doctoral candidates na kukuha ng PhD in Chocolate.

Ang University of the West England, ay nag-aalok ng £15,000-per-year grant para mag-aral ng genetic factors na nakaiimpluwensiya sa flavor ng Britain’s favorite treat.

Ayon sa prospectus, ang successful candidate ay mag-aaral kung paano ang “fermentation” ng cacao beans ay hahantong sa specific flavor profiles.

Ang three-year position ay binuo bilang tugon sa demand mula sa chocolate industry, para sa higit pang forensic na kaalaman hingil sa iba’t ibang cocoa strains.

Ang mga kandidato ay may hanggang 27 Pebrero para mag-apply sa Faculty of Health and Applied Sciences ng unibersidad sa Bristol.

Ito ay kasunod ng anunsiyo ng Mondelez International, ang “geniuses” sa likod ng pamosong sugary treats, katulad ng Cadbury, Milka, Prince at Oreo, kaugnay sa bagong oportunidad na lumahok sa kanilang team bilang part-time chocolate taster.

Ang nasabing kompanya, ini-post ang kanilang anunsiyo sa LinkedIn, ay naghahanap ng taong maaaring tikman ang kanilang delicacies, at makapagbubuo ng honest objective feedback sa kanilang team ng skilled panelist.

Ang matagumpay na kandidato ay tutulong sa Mondelez na maperpekto at mailunsad ang kanilang brand new products sa buong mundo, sa susunod na mga taon.

(mirror.co.uk)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …