NAGDEKLARA ng all out war sa illegal gambling si PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, ngunit tiniyak na hindi magiging madugo gaya sa kanilang kampanya noon laban sa ilegal na droga.
Paliwanag ni Dela Rosa, hindi sira ulo ang mga sangkot sa ilegal na pasugalan, ‘di tulad ng mga lulong sa droga na handang pumatay at magpakamatay.
Sa ilegal na pasu-galan, pera-pera lang ang usapan kaya’t naniniwala siyang walang sangkot dito na magbubuwis ng buhay.
Kompiyansa si Dela Rosa, hindi aabutin ng anim buwan ang pagsugpo sa ilegal na pasugalan sa bansa, kailangan lamang ng kooperasyon ng publiko maging sa mga opisyal ng gobyerno.
Sa ngayon, inalerto ng PNP ang lahat ng kanilang regional offices, para maglunsad ng one time bigtime operations (OTBT), laban sa illegal gambling operators.
May security adjustment nang ipinatupad ang PNP kaugnay sa na-sabing kampanya.
Una rito, nagpalabas ng utos si Pangulong Rodrigo Duterte sa pa-mamagitan ng Executive Order 13, nagsasabing lalo pang paiigtingin ng PNP, National Bureau of Investigation, at iba pang law enforcement agencies, ang kampanya kontra illegal gambling.