Friday , November 15 2024

E, paano naman ang korupsiyon sa BFP?

PHILIPPINE National Police (PNP) lang ba ang dapat na linisin? Paano naman ang talamak na korupsiyon sa Bureau of Fire Protection? Ha! Bakit, may korupsiyon ba sa BFP?

Ikaw naman, ahensiya rin ng pamahalaan iyan. So!? Ibig sabihin porke ahensiya na ng pamahalaan ang BFP ay may nagaganap din na korupsi-yon? Ano naman ang nanakawin sa BFP? Apoy? Sunog? Trak ng BFP? Kayo naman wala naman sigurong nagaganap na korupsiyon sa BFP.

Okey, kayo na ang humusga kung korupsi-yon ang impormasyon na ipinukol sa AKSYON AGAD ng insiders natin sa BFP particular ang mga fire safety inspector.

O sige nga, tingnan natin kung may nagaganap na nakawan sa BFP.

Simulan natin ang kuwento sa usapang “travel allowance” para sa bawat fire safety inspector (FSI).

Ang bawat FSI ay may P60.00 travel allowance kada inspection order (IO). Heto iyong allowance sa tuwing may hawak silang IO o magsasagawa ng inspeksiyon sa bawat establisiyemento.

Sa loob ng isang buwan ang bawat FSI ay nakakukuha ng minimum na 30 IOs. Minimum na 30? Marami-rami rin ito ha. Meaning sa loob ng isang buwan, ang sumatotal na travel allowance ng bawat FSI sa loob ng isang buwan ay P1,800 habang P21,600 sa loob ng isang taon. E, ilan FSI mayroon ang BFP.

Huwag na sa bilang ng FSI natin kunin ang kuwenta para sa travel allowance kundi sa bilang na lang ng establisiyemento na iisyuhan para sa inspeksiyon.

Halimbawa sa Quezon City, umaabot sa 70,000 ang establisimiyento rito. Meaning, 70,000 IOs ang nakalaan sa kanila. So, ang travel allowance ay may sumatotal na P4,200,000 sa loob ng isang taon. Pero hanggang 40,000-50,000 lang ang nagagawang IOs para sa lungsod. Kaya, ang travel allowance na nakalaan para sa 50,000 IOs ay aabot naman sa P3,000,000.

Wow, laking pondo rin pala ang nakalaan para sa travel allowance. Take note, Quezon City palang iyan. E, kung buong bansa ang pag-uusapan. Bilyon na ang involved dito. Laking allowance rin pala ang nakukuha ng mga FSI natin.

Ha! Nakukuha ba ‘ika mo ang kanilang travel allowance? Taliwas yata ito sa sumbong sa inyong lingkod. Bakit naman. Bakit? Ganoon kaya katotoo na ang nasabing allowance kailanman ay hindi napapasakamay ng FSIs. Ha! Totoo ba ito? P3M ang pinag-uusapan dito kung QC ang pagbabasehan lang ha. Ngunit, Kyusi lang ang iniha-limbawa natin sa kuwentahan ng allowance ha. Hindi ko sinasabi na may nangyayaring travel allowance anomaly rito. Pero, wala nga kayang nangyayaring korupsiyon sa QC Fire sa travel allowance na ito? Nagtatanong lang po ha at hindi nag-aakusa.

Pero ang siste raw, sa tuwing nakakukuha ng IOs niya ang mga FSI, pinapapirma sila ng voucher para sa allowance katunayan na natatanggap nila ang kanilang salapi. Iyon naman pala e.

Kaya lang, ang tanong ay ganoon kaya katotoo ang info na kahit na pumirma sa voucher ang mga FSI ay hindi pa rin napupunta sa kamay nila ang allowance? Totoo ba ito?  Naku ha, pirmado kayo, tapos sasabihin ninyong wala kayong nakukuhang allowance? Hirap yata paniwalaan ni-yan lalo na’t pumirma kayo.

Pumipirma na lamang sa voucher ang mga FSI dahil nakikisama lang sila sa kanilang bosyo o sa mga nakatataas sa kanila. Ganun?

Tsk tsk tsk…totoo kaya ito?

Aba’y dapat nga siguro isama rin ang BFP sa ipabusisi ni Pangulong Duterte at hindi lang ang PNP. Tutal din lang naman ay nagsasagawa ang Pangulo ng all-out war against corruption.

Ops, hindi po natin inaakusahan ang BFP kundi, nagtatanong lang tayo kung mayroon ngang nagaganap na korupsiyon sa ahensiya.

Sino ba ang nag-iisyu ng IOs sa FSIs? At bakit kaya hindi ibinibigay ang allowance kahit pumipirma sa voucher ang FSIs? Ano kaya ang dahilan? Well, inuulit ko, ito lang naman ay kung totoong may nangyayaring bulsahan ng allowance sa BFP?

Isa pang tanong, kung sakaling totoong hindi ibinibigay ang travel allowance, saan ngayon kukuha ng panggastos kay may inspeksiyon sa mga establisiyemento ang mga FSI? Saan nga ba at paano?

Alalahanin ninyo ha, hindi barya ang pinag-uusapan dito kundi milyones o bilyones kapag isumatotal ang travel allowance.

Abangan!

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *