Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunny Kim, puwedeng ipantapat kay Sandara Park

GAMSI! Josim! Yes! Sabi sa Korean abangan ang pagtatambal nina Ejay Falcon at Sunny Kim sa tututukang episode ng MMK Maalaala Mo Kaya this  Saturday, February 11, para sa isang super kilig na Valentine’s episode hatid ni direk Theodore Boborol.

Magkaiba ng lengguwahe, magkaiba ng kultura, magkaiba ng lahi ang nag-krus ng landas na mga nilalang. Pero mas pinili nilang mahalin ang isa’t isa. Samahan at panoorin natin ang naging journey nina Tim at Jung Won sa love-filled episode.

Pero teka muna. Sino ba itong sinasabihan ng “Annyeong” (kumusta)? “Yeppeuda (maganda!), at “Saranghae” (mahal kita!) ni Ejay na si Sunny?

Let’s see what Mr. Google has shared.

Noong nagdaang taon, siya ang unang nanalo as MYXVlogger. Si Sunshine “Sunny” Kim ay Broadcast Communication student ng UP Diliman. Na naninirahan at nag-aaral sa bansa na ibinabahagi niya sa kanyang #PUSOngPinoy.

Bihasa na sa salitang Tagalog si Sunny at ang binyag naman niya sa pag-arte ay masasaksihan sa Sabado sa MMK.

Sabi ng kuwento niya sa YouTube, may tattto siya in Latin na ang ibig sabihin ay “towards better things”, lagingmay bitbit na happy kit, frustrated fashionista, may giant appetite, loves to watch animal videos, loves street foods puwera adidas at betamax, gulps down so much water and more!

Nakatsika na niya in an interview ang kababayan niyang si Sandara Park.

Sa sandaling mapanood natin si Sunny sa MMK sa Sabado, malamang na itapat na ito kay Sandara!

She’s cute and funny!

Tto daleun ijeongpyo! (Another milestone!)

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Emma Tiglao

Emma Tiglao sinabihang ‘makapal ang mukha,’ management ng resto nag-sorry

MATABILni John Fontanilla NABASTOS daw si 2025 Miss Grand International Emma Tiglao ng isang waiter na tinawag siya …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …