Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ellen, unaffected sa pakikipaghiwalay kay Baste Duterte

MAHAROT. Malandi. Ilan lang ito sa mga adjective bilang paglalarawan kay Ellen Adarna, perhaps the most popular actress these days noong panahon nila ng Presidential Son na si Baste Duterte at ngayong break na sila.

Toast of the social media ang sexy actress kahit natuldukan na ang ilang buwan nilang relasyon ni Baste. Sa halip kasi na ikalungkot niya ang kanilang breakup, parang na-liberate pa siya. Pero kuwidaw din daw sa mga babaeng naghahabol sa kanyang ex-BF, she has nothing but ”Good luck!” sa kanila.

Six or seven months nilang affair na umabot pa sa pagli-live in would barely leave a deep scar sa puso ninuman. At the onset ay alam naman ni Ellen na may GF si Baste at lumalabas na “the other woman” lang siya.

At dahil ‘yun ang kanyang status sa buhay, she knew where she stood sa listahan ng priorities ng kanyang minamahal na may two-year old child pa mandin.

Tama lang na kunwari’y unaffected ang hitad, na walang pilat ang iniwan ng kanyang failed relationship. That way, she’s still whole. Taglay pa rin ni Ellen ang kanyang self-esteem o pagpapahalaga sa sarili.

Siguro nga’y hindi biro ang maugnay sa anak ng isang lider ng bansa. While all eyes are on President Digong ay nakatuon din ang atensiyon ng bayan sa anak nito.

Probably the most desirable and sought after man si Baste sa panahon ngayon. He may not possess drop-dead looks tulad ng mga mestizo nating actor, pero may kakaiba siyang panghalina sa opposite sex (at sa mga beki na rin).

In fairness though to Ellen, isa siya sa mga makatulo-laway nating aktres. Bukod sa sexy ay matalino pa. So that makes her at par with Baste, na dapat ding mag-”Good luck!” sa sinumang bubuyog ang magtatangkang sumimsim ng halimuyak nito after him.

Ang pinakamagandang paraan na lang siguro for Ellen to move on ay isiping totoo ang linya sa awitin ni Barbra Streisand na…

Some good things never lust, este, last.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …