IPINAHAYAG ni Aiko Melendez na kakaibang challenge ang nararamdaman niya kapag gumaganap siya ng kontrabida roles. Sa pinakabagong TV series ng ABS CBN titled Wildflower na na tinatampukan ni Maja Salvador at magsisimula nang umere sa Monday, February 13, sinabi ni Aiko na iba ang masasaksihan sa kanya ng televiewers dito.
“Ibang-ibang Aiko ang makikita nila at iyong sagupaan namin ni Maja is something na dapat abangan. Iyong character ko rito is strong, but deep inside ay kawawa. Also, dapat abangan kung bakit siya nagkaganoon po. Kumabaga, may pinanggalingan ang kasamaan ko po rito,” pahayag ni Aiko.
Sinabi rin niyang mas challenging para sa anya ang maging kontrabida.
“Mas msarap talagang laruin ang pagiging kontrabida. At saka challenge iyon sa akin, so, mas gusto ko talaga na maging kontrabida.”
Ano ang masasabi mo kay Maja Salvador bilang artista?
Esplika niya, “Si Maja, mahal ko na siya, napakabuting bata, thoughtful, walang ere and genuine ang kabutihan niya. Bonus na lang na mahusay na artista pa siya, malalim ang hugot niya as an actress.”
Nabanggit din ni Aiko ang role sa pelikulang Balatkayo, bilang isang OFW na nagkaproblema sa anak nang nagkaroon ito ng sex video scandal sa Pilipinas.
“It’s something na kakaiba ‘coz ‘yung relationship ko with my son dito is di gaanong kagandahan and normally kasi, ang role ko is always iyong naloloko ng asawa. Eto, iba ang twist po, eh.”
Sa pelikula ay malalim na tinalakay ang buhay ng mga OFW na nagsasakripisyo para mabigyan ng maayos na kinabukasan ang kanilang pamilya. Sa paghahangad na makaangat sa buhay, minsan ay nasisira ang kanilang pamilya dahil sa kalungkutan at tukso. Si James Robert ang solong anak dito nina nina Aiko (OFW sa Singapore) at Polo Raveles (OFW sa Dubai) na masasangkot sa sex-video scandal.
Ang Balatkayo ay mula sa pamamahala ni Direk Neal Tan at tinatampukan din nina Polo Ravales, Nathalie Hart, Rico Barrera, James Robert, at iba pa.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio