Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tiwaling pulis sibakin agad

IPINARADA ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang mahigit 200 tiwaling pulis sa harapan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Malacañang nitong nakaraang Martes.

Binulyawan, minura, sinabon, ikinula at binanlawan ng pangulo ang mga pulis na kabilang sa maraming iba pa na patuloy na sumisira sa imahe ng Pambansang Pulisya, bago tuluyang ipinatapon sa Mindanao para doon ay isabak sa mga bandidong Abu Sayyaf.

Bago pa ito, dumanas na rin ng pamamahiya kay Bato ang mga nasabing tiwaling pulis, kabilang ang ilan na isinasangkot sa tokhang-for-ransom. Pinagmumura at ininsulto ang mga nasabing pulis at saka pinag-push-up sa harap ng mga miyembro ng media.

Maraming nainis kay Bato dahil sa bagong pakulo nito. Puro porma na naman daw ito sa harap ng media pero wala namang nagagawang maayos para tuluyang mapatino ang hanay ng pulisya na batbat ng kontrobersiya dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang anomalya.

Pero naniniwala tayo na may punto ang ginagawang pamamahiya ni Bato sa mga kapwa niya pulis na bugok at patuloy na sumisira sa buong imahe ng PNP. Tama lang sa kanila iyon, ang mapahiya sila at tumagos sa kanilang pakiramdam ang kahihiyan. Siguro naman ay mahihiya na sila sa kanilang sarili at sa kanilang mga pamilya, kamag-anak at mga kaibigan na mapabilang sila sa mga bugok na pulis na sumisira sa imahe ng PNP.

Makatuwiran din na isabak sila sa bakbakan sa Mindanao.  Dapat lang silang tanggalin sa mga puwesto nila ngayon kung saan sila nahihirating gumawa ng kabalbalan dahil sa impluwensiya nila.

Pero kung talagang nais ng pamunuan ng PNP na linisin ang kanilang hanay, hindi na sila dapat pinatatagal sa serbisyo. Dapat sinisibak na sila kaagad.  Ang tanong, kapag ginawa ito ng liderato ng PNP ay baka wala nang matira!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …