ZAMBOANGA CITY – Umakyat na sa walo ang kompirmadong napatay sa panig ng Abu Sayyaf group (ASG), sa nagpapatuloy na operasyon ng militar sa lalawigan ng Sulu.
Ayon kay Maj. Gen. Carlito Galvez Jr., commander ng Western Mindanao Command (WestMinCom), kabilang sa mga napatay ay sina Karra Kinod, Asbiali Ijiram, Bari Rabah, at Hassan Angkong, pawang may warrant of arrest.
Sa kabuuan, walong bangkay na ang nakuha ng mga sundalo mula sa magkahiwalay na lugar ng sagupaan.
Sa puntong ito, narekober ang limang bangkay ng napatay na mga bandido, partikular sa Sitio Talok Talok, sa isand barangay ng Capual, sa munisipyo ng Omar. Nagpapatuloy ang pursuit operation ng Marine troops, nagresulta sa pangalawang enkuwentro at napatay ang tatlo pang mga bandido.