INILINAW ni Social Security System (SSS) chairman Amado Valdez, hinihintay pa nila ang atas ng Office of the Executive Secretary (OES), para maibigay ang P1,000 dagdag sa pensiyon ng mga retiradong miyembro ng SSS.
Magugunitang maraming pensioners ang natatagalan sa dagdag na pensiyon, dahil naipangako sa kanilang ibibigay ito simula ngayong Pebrero.
Sinabi ni chairman Valdez, bagama’t aprubado ni Pangulong Duterte ang pension increase, kailangan pang magkaroon sila ng awtorisasyon mula sa OES para walang magiging problemang legal.