KINOMPIRMA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), tuloy ngayong linggo ang pagtaas ng pasahe sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila, at ilang rehiyon sa bansa.
Ayon kay Atty. Aileen Lizada, Board Member at Spokesperson ng LTFRB, posibleng sa Huwebes ipatupad ang P1 dagdag pasahe.
Dahil dito, magiging P8 na ang minimun na pasahe, epektibo sa National Capital Region (NCR), at Regions 3 at 4.
Ayon kay Lizada, immediately and executory ang pagtaas ng pasahe.
Nagpaliwanag si Lizada kung bakit kailangan nilang itataas ang pasahe sa mga pampublikong sasakyan.
Aniya ang fare increase ay ipatutupad dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa.