Friday , December 27 2024

Allen, Aiko, at 3 pelikula ng BG Productions, kinilala sa 15th Gawad Tanglaw

KABILANG ang BG Productions at mga artista nila sa big winner sa 15th Gawad Tanglaw. Minsan pang kinilala ang galing ng International award-winning actor na si Allen Dizon nang manalo siyang Best Actor dito, samantalang si Aiko Melendez na nagkamit na rin ng pagkilala sa kanyang acting talent sa ilang International Filmfest ay itinanghal namang Best Supporting Actress.

Kapwa nanalo sina Allen at Aiko para sa pelikulang Iadya Mo Kami. Nakatabla nila sa kanilang respective categories sina Paolo Ballesteros (Die Beautiful) at Susan Africa (Hele Sa Hiwagang Hapis).

Wagi rin sina Ferdinand Lapus (Best Story) at Gilbert Obispo (Best Editing) para sa pelikulag Area na tinampukan din ni Allen, kasama si Ai Ai delas Alas. Si Cyrus Khan naman ay nagwagi bilang Best Productuon Design para sa pelikulang Laut. Ang Area at Laut ay kapwa prodyus ng movie company ni Ms. Baby Go.

Pinagkalooban din ng Special Award ang tatlong pelikula ng BG Productions. Kabilang ang: Presidential Jury Award for Best Film-Area; Presidential Jury Award for Best Children’s Film-Child Haus; at Student’s Choice Award for Best Film-Laut. Samantalang ang isa sa resident direktor ni Ms. Baby na si Direk Mel Chionglo ay ginawaran ng Natatanging Gawad Tanglaw ng Pelikulang Pilipino.

Ayon kay Ms Baby, “Natutuwa ako na ang mga taga-BG Productions, mga artista namin at direktor ay kinikilala ang kanilang husay. Walang duda sa galing nina Allen at Aiko, kaya madalas silang napapanood sa mga pelikula namin.”

Inusisa rin namin si Allen kung ano ang pinagkaka-abalahan niya ngayon. “Patapos na po ang Doble Kara, may ginagawa ako ngayon sa TV5, iyong Amo, directed by Brillante Mendoza. Pulis ang role ko rito and ang kuwento nito ay about drugs po. Sa movie naman, waiting pa sa script ni Direk Ralston Jover.”

Inalam naman namin kay Dennis Evangelista kung pang-ilang acting award na ito ni Allen at ano ang latest news sa aktor. “Twenty three acting awards na niya… As of now, ipapalabas ang Iadya… in italy and HongKong. Ang TV project ni Allen is Amo, directed by Brilliante Mendoza. Ang movie naman niya ay Bomba (The Bomb) directed by Ralston Jover na intended for International film festival.”

Sa panig naman ni Aiko, ito ang pahayag niya sa kanyang latest award, “Masaya po ako sa panibagong award ko po, grabe! Kasi, affirmation yan po na I did my homework po as an actress.”

Incidentally si Aiko ang bida sa pinakabagong pelikula ng BG Productions titled

Balatkayo. Kasama rin dito sina Polo Ravales, Nathalie Hart, Rico Barrera, James Robert, Melissa Mendez, Kristine Barreto, at iba pa. Mula sa panulat ni Jason Paul Laxamana at sa malikhaing direksyon ni Neal Tan.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *