Friday , November 15 2024

Service provider ipinipilit uli sa QC Police clearance, bakit?

ANAK ng… ano ba ang mayroon sa service provider at pilit na pinapapasok na ‘magnegosyo’ sa mga ahensiya ng pamahalaan? Para mapabilis ang serbisyo sa mamamayan? Bakit, hindi ba kaya ng mga ahensiya ang  mag-isa at kinakailangan ng service provider? Totoo nga bang para mapabilis ang serbisyo  ang dahilan? I doubt dahil sa bidding pa lamang ay may kikita na.

So, malinaw na SOP (save our pocket) lang ang habol ng iilan sa paglalagay ng service provider. Hindi po barya ang pinag-uusapan dito na SOP kapag nakapasok ang service provider sa pamahalaan kundi, malakihan po ito. At talo ang mamamayan rito. Paano kasi, sa atin naka-charge ang serbisyo ng service provider.

Ngunit, kailan nga ba talaga ang serbisyo ng pribado sa pamahalaan? Hindi!

Hindi kailangan ng pamahalaan ang serbisyo ng pribado. Pinatunayan ito ng Quezon City Police District (QCPD).

Tinalakay na natin ito nitong nagdaang linggo at may dahilan tayo kung bakit, medyo pag-uusapan uli natin ito.

Oktubre 2016, pinatunayan ni Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, QCPD director, na hindi na kailangan ng QCPD police clearance ang serbisyo ng service provider.

Sinibak ni Eleazar ang service provider matapos ibinigay ni QC Mayor Bisket Bautista ang kahilingan niya noong Agosto 2016 na bigyan sila ng mga makabagong kagamitan para sa mabilisang proseso ng police clearance.

Nang tuparin ni Bistek ang kahilingan, tinapos na ni Eleazar ang masasayang buhay ng pamunuan ng service provider lalo ang mga nasa City Hall na nakikinabang sa service provider.

Pinatunayan ni Eleazar sa tulong ng kanyang itinalagang hepe ng police clearance na si C/Insp. Rodel Maritana, na hindi na kailangan ang service provider. Sa pamamagitan ng mga bagong kagamitan na ibinigay ni Bistek, natumbasan na rin ng QCPD ang bilis ng service provider. Sa loob lamang ng 10-12 minuto ay makukuha na ng aplikante ang kanyang police clearance. Nakapagpoproseso nang hanggang 1,500 police clearance sa loob ng isang araw ang ahensiya ngayon kahit wala nang service provider. Noong may service provider ay 1,500 kopya din ang napoproseso sa loob ng isang araw. Meaning talagang natumbasan na ito ng QCPD.

Pero ang pinakamagandang balita naman dito, mura na ang police clearance. Ang dating P250.00 (kasama ang bayad sa service provider) ay P100.00 na lang.

Ngayon, bakit natin tinalakay uli ang hinggil sa service provider. Paano kasi, may mga tiwali sa QC Hall na nakaramdam sa pagkawala ng service provider. Ha! Labo yata ha! Oo may mga nawalan kasi nang sibakin ng QCPD ang service provider. Anong nawalan, anong nawala?! Ha, basta.

Kaya, ang siste ay may mga kumikilos na tiwali ngayon sa City Hall at ipinipilit na dapat kumuha ng bagong service provider para sa police clearance. Bakit, samantalang natumbasan na ng QCPD ang serbisyo ng dating service provider na humawak sa police clearance? Iyon nga ang nakapagtataka. May mga nawalan kasi. Nawalan ng ano?

Pero, sa ibang estilo naman ang plano ng mga nagpipilit na ibalik ang service provider sa police clearance.

Dahil natumbasan ng QCPD ang serbisyo ng pribado, heto ang dahilan naman ng mga nakikialam na taga-City Hall (sa Konseho ba?)  kung bakit kailangan ng pribado sa gobyerno. Gawin naman daw “online system” ang pagkuha ng police clearance o magbukas ng “online.”  Mas mabilis din daw ang online.

Hay naku naman, ganito na ba talaga katalamak sa pagnanakaw este, mali pala, ganito ba talaga ang pagka-concerned ng mga tiwali sa City Hall para sa mamamayan ng lungsod?

Siniba na nga ang service provider at nagawang tumbasan ng QCPD ang serbisyo ng pribado, ngayon naman ay gustong magkaroon uli para naman daw sa online? Gagawan daw ito ng resolution sa Konseho. Gano’n! Aba’y alaga namang naghahanap ng SOP ang ilan sa tiwali sa QC Hall. Iyan lang naman ay kung may SOP sa pagkuha ng pribadong kompanya. Wala naman sigurong SOP dito, ‘di ba? Anong sey ninyo diyan – lalo na sa Konseho natin sa Kyusi. Sa bumubuo ng konseho, hindi naman kayo nakikinabang sa service provider, ‘di po ba? Iyan ang mga konsehal natin, walang hinahabol sa service provider at lalong walang magnanakaw sa kanila. Malilinis kaya ang mga konsehal natin sa QC. Malilinis magtrabaho. Honest kung baga ba.

Ha ha ha!

Kung walang SOP, ba’t kaya ginagawan ng paraan ng ilan sa City Hall na magkaroon uli ng service provider sa police clearance sa estilong “online system” naman?

Kawawang mga mamamayan ng Kyusi, kapag nagkataon, tataas uli ang bayarin sa pagkuha ng police clearance at ang masisisi na naman dito ang QCPD.

Pero balita ko, tutol si Mayor Bistek sa pumuputol sa planong ito – ang ibalik ang service provider sa police clearance.

Iyan si Bistek!

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *