Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa tinuran ni LJ na hindi nadadalaw ni Paulo ang anak — Ginagawa ko ang obligasyon ko bilang ama sa anak ko

HINDI na bago sa amin ang pagtanggi ni Paulo Avelino na magsalita sa isyung kinasasangkutan niya lalo’t hindi naman kasama sa pelikula o TV show ang sangkot sa usapin.

Pero napilit pa rin siyang kahit paano’y magsalita pagkatapos ng presscon proper ng I’m Drunk, I Love You na pinagbibidahan nila nina Dominic Roco at Maja Salvador na handog ng TBA (Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment, at Artikulo Uno Productions).

Tinanong kasi si Paulo ukol sa tinuran kamakailan ni LJ Reyes na hindi dinadalaw ng actor ang kanilang anak na si Aki gayung hindi naman daw siya pinagbabalawan.

Ani Paulo, ”Hindi pa panahon para magsalita po ako, pero ginagawa ko naman ang obligasyon ko bilang ama ng anak ko, hindi naman ako nagpapabaya sa financial, basta hindi lang dito,” ani Paulo.

Sinabi pa ni Paulo na mahal na mahal niya ang anak niya at darating din ang tamang panahon para malaman ng lahat ang side niya.

Anyway, ang I’m Drunk, I Love You na mapapanood na sa Pebrero 15 ay ikalawang pagsasama nina Paulo at Maja. Ang una ay ang teleseryeng Bridges of Love sa ABS-CBN kasama si Jericho Rosales.

Ayon kay Paulo, gusto niyang makasama muli si Maja sa trabaho dahil crush niya ito bukod pa sa mahilig magdala ng pagkain ang aktres.

“Mahilig siyang magdala ng pagkain sa set kaya gustong-gusto namin. Laging maraming food sa set,” anang actor.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …