Friday , November 15 2024

Parusahan at ikulong

WALANG alinlangan na mabuti ang hangarin ni President Duterte sa kanyang isinasagawang digmaan laban sa ilegal na droga, kaya suportado ito ng karamihan ng Filipino.

Sa sobrang galit ni Duterte sa droga ay inatasan niya ang mga pulis na paslangin ang mga suspek na lalaban kapag inaaresto. Wala raw dapat alalahanin ang pulisya dahil sagot niya.

Ang pahayag ng suportang ito na ibinigay niya sa mga pinagtitiwalaang alagad ng batas ang maaaring naging susi kaya lumakas ang loob nila para gawin ang anumang gustuhin, nang walang inaalalang pananagutan.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson, nakaligtaan umano ng Pangulo na paalalahanan ang pulisya na mag-operate lamang nang naaayon sa batas.

Ngayon ay nahaharap ang Senado sa pagsisiyasat sa kaso ng negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo na pinaslang sa loob mismo ng police headquarters sa Camp Crame.

Ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang sinibak sa puwesto at kasalukuyang iniimbestigahan sa pagkakadawit sa pamamaslang kay Jee.

Sa pagdinig ng Senado ay nagpakita rin si Lacson ng CCTV footage ng ibang grupo ng mga pulis na makikitang nagtatanim ng droga sa loob ng isang opisina bago magsagawa ng raid.

Noong Nobyembre ay pinangunahan din ni Lacson ang pagsisiyasat sa kamatayan ni Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. Pinatay ng mga pulis na pumasok sa kanyang selda para magsilbi raw ng search warrant.

Bukod sa kaso ni Jee, pitong miyembro naman ng Angeles City Police ang dinisarmahan, sinibak at inatasang “restricted to barracks” dahil sa pag-kidnap sa tatlong Koreano noong Disyembre.

Sangkot daw sa illegal gambling ang mga Koreano pero walang dalang arrest o search warrant ang mga pulis. Kinuha nila ang mga kagamitang pang-golf, sapatos, alahas at laptops mula sa bahay ng mga Koreano. Wala ring reklamo o blotter na nagdodokumento sa pag-aresto.

Bukod sa naiabot na P10,000, nangutang pa raw ang mga Koreano ng P300,000 sa isang kaibigan para maibigay sa mga pulis dahil panay ang hingi ng pera.

Hindi maikakaila na maraming pulis ang sangkot sa mga kaso ng pagnanakaw, kidnap, pangongotong at iba pang paglabag sa batas.

Pero sawa na ang mga tao sa simpleng pagsibak at paglilipat ng puwesto sa kanila, na kadalasang nangyayari. Pagkalipas kasi ng ilang buwan o isang taon ay makikita nilang nakabalik na sa puwesto ang sinibak na pulis. Ang gusto nila ngayon ay maparusahan sila at makulong.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *