Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gusto ko lang kumita, hindi ako naghahangad ng kakaibang papel — Ogie Diaz

DALAWAMPU’T LIMANG taon na sa showbiz si Ogie Diaz. Marami na siyang teleserye at pelikulang nagawa. At tulad ng iba, bago narating ni Ogie ang tutok ng tagumpay, marami rin siyang pinagdaanan.

Bago pinasok ni Ogie ang pag-arte, isa ring manunulat si Ogie, sa Mariposa Publications na pag-aari ni Nanay Mareng Cristy Fermin at pagkaraan ay nagkaroon sila ng talk show. Nagsimula ang acting career ni Ogie noong 1992 nang bigyan siya ng break nina direk Joey Reyes  at Douglas Quijano (SLN) sa sitcom na Palibhasa Lalaki at Abangan ang Susunod na Kabanata.

At siyempre, nagkasunod-sunod na ang ibinibigay na show sa kanya sa ABS-CBN. Pero, hindi tinapos ni Ogie ang kanyang career sa pag-arte lamang, nag-alaga rin siya ng mga nagnanais mag-artista.

Isa na ring kilalang talent manager si Ogie ngayon na siya ang nag-aalaga kay Liza Soberano at marami pang iba. Siya rin ang kauna-unahang manager ni Vice Ganda.

Sa ngayo’y bahagi si Ogie ng Home Sweeties Home nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz na nagdiwang ng ikatlong taon.

Sa pakikipaghuntahan kay Papa Ogs (tawag namin sa kanya) natanong namin kung comedy’ lang ba talaga ang gusto niyang role o may iba pa?

Aniya, ”Bakit, nada-dramahan ba kayo sa akin,” seryosong sagot nito na ikinatawa namin. ”Comedy naman talaga ang forte ko saka ‘yung mga teleserye, sidekick ako parati ng mga kontrabidang babae.”

Sa totoo lang, napaka-effective na komedyante naman talaga ni Papa Ogs. Kahit nga nagkukuwento lang ito, nakatatawa na kami ‘yun pa kayang umaarte?!

Natanong si Ogie kung hindi ba siya nagsasawa sa paulit-ulit na papel na ginagampanan niya o may dream role pa ba siya?

“Naku, wala na.  Wala akong dream role, gusto ko lang kumita, lalong-lalo na kung may pamilya ka at dalawang pamilya ang binubuhay mo,” anito na kasama sa sinusuportahan ay ang kanyang magulang at mga kapatid na never niyang pinabayaan.

Bukod dito, hindi rin nangangarap si Ogie na makatanggap ng acting award at gusto naman niyang makatrabaho pa sina ”Piolo (Pascual) at Enchong (Dee).  Hindi ko pa sila nakakasama, marami pa, pero sila talaga ‘yung gusto ko,”seryosong sabi ng komedyante. “Pero sa movie, nakatrabaho ko na si Enchong, kasi makinis siya.

“Kasi kapag kausap ko si Enchong, hindi niya ako itinuturing na reporter, lahat ibinubuhos niya,” biglang bawi ni Ogie.

“Si Piolo, hindi ko pa nakakatrabaho kaya gusto ko para maging close pa kami kasi ninong siya ng anak ko,” sambit pa ni Ogie.

Sinabi pa ng komedyante na gusto naman niyang maging sidekick ng mga actor dahil laging sidekick ng mga aktres ang role niya.

“Gusto ko naman na sa actor ako mag-side-kick, kasi ‘di ba puro (seryosong aktres), sina Tita Helen Gamboa (‘Walang Hanggan’ 2012), Coney Reyes (‘Nathaniel’– 2015), Ayen Laurel (‘Born For You’ 2016), Gloria Diaz, Vina Morales at iba pa,” kuwento pa ni Ogie.

“Gusto ko lang kumita kaya hindi na ako naghahangad pa ng kakaibang papel. ‘Di ba mas masarap kumita lalo na kung may pangarap ka, ‘yun ang pangarap ko, ‘yung pangarap ng pamilya ko maibigay ko.

“’Yung future nila (secured naman na). Ako kasi futuristic, ‘pag huminto ako, kailangan ‘yung pera ko, sapat na,” giit pa nito.

May mga naipundar nang bahay si Ogie at ‘yung iba nga ay gusto na niyang ibenta.

Sa ngayon sa Home Sweetie Home napapanood si Ogie, tuwing Sabado  ng gabi mula sa direksiyon ni Edgar ‘Bobot’ Mortiz. Siya ang masungit na boss ni Lloydie sa agency na pinagtatrabahuan ng huli.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …