Sunday , November 24 2024

Yul Servo, mahal na mahal ng mga Manileño

PERSONAL naming nakita kung paano sinusuklian ng mga constituents ni Congressman Yul Servo ang kasipagan niya at pagmamahal sa mga nasasakupang Manileño. Mula matanda hanggang bata, babae, lalaki at iba pa, sila ay nagpapasalamat, niyayakap, hinahalikan, may mga batang nagmamano, at mayroong panay ang selfie kay Yul. Tanda ito ng kanilang kagalakan at pagkilala sa effort niya para makatulong sa mga tao at maging isang mabuting public servant.

Last Saturday, February 4, naimbitahan kami ni Pareng Yul sa kanyang Medical at Dental mission na ginanap sa Arlegui St., malapit sa kanto ng Casal Street. Sakop nito ang mga Barangay 385 at 387. Ito ay bahagi ng month long celebration ni Yul na magdiriwang ng kanyang 40th birthday sa February 22.

Bukod sa libreng check-up at gamot, mayroon ding libreng facial, gupit, masahe, at pati mga beterinaryo ay present sa event para i-check-up ang mga alagang hayop ng mga taga-roon. Mayroon ding libreng T-shirt, cedula, pop corn, cotton candy, at ice cream kaya animo fiesta ang atmosphere roon.

Ano ang iyong reaksiyon sa pagmamahal sa iyo ng constituents mo?

Sagot ni Yul, “Siyempre masaya ako na pagharap ko sa kanila, ipinakikita nilang nagugustuhan nila ang trabaho ko, naa-appreciate nila. Isang malaking bagay sa akin iyon at nakakataba ng puso kapag nakikita mo na ang mga tao, ganoon ang pagtanggap sa iyo.

“Part po ito ng celebration ng birthday ko, which is Feb. 22. Bale usually, iniikot ko ito, Quiapo, Sta. Cruz, Binondo, sa 16 zones ng 3rd District. Councilor pa lang ako ginagawa ko na ito noong 2007. Pero maliit pa lang ito noon, siguro dalawa o tatlong tent pa lang nang nagsimula ako. Pero bago natapos ang term ko, medyo lumaki na siya nang lumaki. Dati kasi ang target kong natutulungan ay around 200 na tao, later on ay naging 1000 to 1,500. Maganda sa pakiramdam na marami tayong natutulungan,” masayang esplika ng masipag na lingkod-bayan at award-winning actor.

Sinabi rin ni Yul ang mga naka-line up pang event. “Sa Feb. 14, Kasalang Bayan sa Rasac, covered court, sa Feb. 18 may Medical mission ulit sa Binondo naman, may Binyagang Bayan din sa Feb. 25 sa Binondo Chruch. Sa Feb. 11, may Funday at Gift Giving sa mga bata. Isang araw lang iyon, pero iikot tayo sa apat na barangay. May mag-e-entertain sa mga bata ng story telling, may libreng pop corn, ice cream, cotton candy at mga games. Last year ay nandoon si Iron Man at saka si Queen Elsa ng movie na Frozen. Ngayon naman, yung ka-look-alike ni apl.de.ap.”

Ano ang birthday wish niya? “Sabi nga nila, ang talagang wealth is yung health. Kung marami ka mang yaman, pero kung mahina ka naman, may sakit ka naman ay balewala rin. Kaya ang wish ko ay magkaroon ako ng magandang kalusu-gan at iyong pamilya ko. Wish ko rin na yung binibigay ng gobyerno sa mga mamamayan ay maibigay sa kanila at makapaglingkod ng maayos sa distrito ko,” nakangiting saad pa ni Yul na nga-yon ay ginagawa rin ang pelikulang Tokhang.

Ang isa sa umalalay kay Yul sa natu-rang Medical and Dental Mission ay si Magnolia May San Jose ng Palawan and Tiger Vision Events and Concepts. Hangad din ni Magnolia na maging public servant, kaya last election ay kumandidatong Vice Mayor sa bayan ng Ba-taraza, Palawan, ngunit hindi pinalad.

“May mga hawak akong organizations at business sa Palawan. Doon ako, pabalik-balik and sa Manila at iyong mga tao roon ay hiniling akong tumakbong Vice Mayor. Kami ay sa Good Day Philippines, isang on-line TV program kaya ikinover namin itong event ni Congressman Yul. Member ako ng Actor’s Guild at lumalabas-labas din sa pelikula noon and nagho-host din ako ng travel show,” saad ni Magnolia.

Kabilang sa sponsor ng Medical and Dental mission ni Yul ay ang Guyasteen Herbal Tea, Tai Chi Rub Liniments, at Oilganics na nandoon mismo ang Brand Manager na si Jazen Ong. Ang iba pang sponsors ay Tawas Powder at Plantcenta Erase.

Ang iba pang nakibahagi at tumulong sa event na ito ay ang mga Barangay Chairman na sina Jun Aquino, Melvin Amar, Amor Pahignalo, at Syd Laxama pati na ang respective councils nila, Doc Stella & friends (Doc Osang, Doc Milce Luciano, Doc Amalia Uy, Tinay & friends, at Dra. Morales. Kabilang din sa naki-isa rito ang Veterinary Inspection Board, Office of Senior Citizens Affair, Rotary Club of Rajah Sulayman, Fabella Hospital, Manila Health Department, Nicofely Aquino, at Manila Business College.

To Yul, happy birthday ulit Parekoy at more power sa iyo.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *