KUNG madalas bestfriend ng bidang babae sa teleserye ang ginagampanan ng ex-PBB housemates na sina Joj at Jai, masaya silang may bago na namang adventure sa kanilang career.
Magiging main host ang kambal sa travel at cooking show na Byahe at Kusinakasama sina Lloyd Abella at Aaron Quizon sa direksiyon ni GM Aposaga na ipalalabas sa GNN Global Network.
Excited sila dahil bagong experience ang mararanasan nila as hosts.
Kung may gusto nga silang i-feature na lugar ay ang Virgin Islands. Willing silang gawin ang lahat kahit pa ang kumain ng exotic food para sa ikagaganda ng show.
Sa March 4, 8:00-9:00 a.m. na ang premiere ng Byahe at Kusina.
YUN NA – Mildred A. Bacud