Saturday , November 16 2024
explode grenade

Sundalo, driver ng mayor sugatan sa Basilan blast

ZAMBOANGA CITY – Sugatan ang isang Army Scout Ranger at ang driver ng alkalde, sa magkasunod na pagsabog ng bomba sa Sitio Sawiti, Brgy. Calut, sa munisipyo ng Tuburan, lalawigan ng Basilan, kahapon.

Ayon kay Maj. Gen. Carlito Galvez, Jr., commander ng Western Min-danao Command (WestMinCom), nangyari ang pagsabog habang nagsasagawa ng joint medical and dental activities, ang mga sundalo ng 3rd Socut Ranger Battalion, kasama ang municipal government ng Tuburan kahapon.

Kinilala ang nasugatang sundalo na si Cpl. Christian Ibarreta, at ang driver ni Tuburan Municipal Mayor Dorie Kallahal, na si Misuari Jamiri.

Nawasak ang ilang bahagi ng sasakyan ni Mayor Kallahal dahil sa pagsa-bog.

Napag-alaman, unang sumabog sa bomba, ilang metro ang layo mula sa lugar nang pinagdarausan ng medical activity. Agad itong pinuntahan ng mga sundalo, at ilang saglit lamang makaraan, sumabog ang pangalawang bomba sa hindi kalayuan.

Narekober ng mga kasapi ng Explosive Ordnance Division (EOD), mula sa lugar ng pagsabog, ang dalawang piraso ng circuit, isang handled radio, dalawang battery, at 20 metro ng electric wire.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *