POSIBLENG hindi mag-landfall ang bagyong Bising.
Ayon kay PAGASA Forecaster Samuel Duran, ito ay dahil kumikilos ang bagyo palayo ng bansa.
Huling namataan ang tropical depression sa la-yong 410 km, silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph, at pagbugso na 55 kph.
Kumikilos ito pa-hilaga, hilaga kanluran, sa bilis na 11 kph.
Sa ngayon, wala pang tropical cyclone warning, sa ano mang bahagi ng kapuluan.
Habang ang ulap na tinatangay ng bagyo ay umaabot sa Visayas, at Mindanao maging sa Bicol Region, at Quezon Province. Ito ang magdadala ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan.
Habang sa Cagayan Valley, Cordillera Region, at central Luzon ay makararanas ng mahinang pag-ulan, epekto ng amihan.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng isolated light rains, epekto ng amihan.
Inaasahan sa susunod na mga araw, magiging low pressure area (LPA) uli ang bagyo.