Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ano na nga ba ang nangyari sa career ni Mark Neumann?

EVER wondered kung nasaan na nga ba si Mark Neumann, ang Fil-German actor na homegrown artist ng TV5?

The last TV show na nilabasan ni Mark ay ang Tasya Fantasya pa noong isang taon, prior to Baker King na masasabing claim to fame niya.

Napabalita na noong nagka-casting ang GMA para sa leading man ni Jennylyn Mercado sa Pinoy version ng Love From the Star ay si Mark ang matunog na napipisil for the role. Pero nang huli naming makausap si Mark, tila may problema pang dapat ayusin ng kanyang manager with TV5.

Malaman-laman na lang namin, naibigay na pala sa isang newbie ang role, so anyare?!

For a time ay nagkaroon ng falling out kay Mark at ng kanyang manager. Bagamat may trabaho namang pinagkakaabalahan si Mark, sorry to say, hindi na-maximize ang kanyang potensiyal until naglaho nang lahat ang mga programa sa TV5, their artists included!

Para kasing nahihinaan kami sa diskarte ng manager ni Mark, si Gio Medina, to think na sa artist center pa naman ito konektado. Granting na wala na ngang future ang mga TV5 artist, gumawa sana ng paraan si Gio na i-push ang career ni Mark.

But it doesn’t seem to be the case. Hindi na rin kasi namin nakikita ni anino ni Gio (at naririnig ang matining nitong boses na parang latang walang laman!) sa bakuran ng TV5. Could it be na na-dissolve na rin ang kinabibilangan niyang departamento?

Si Gio kasi ang tipo ng manager na hindi marunong ibenta ang alaga sa press, ‘no!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …