ITINANGGI ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim, ang akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, na nagtatayo ng arms depot ang tropa ng Amerika sa bansa.
Iginiit ni Kim, ang ginagawang pasilidad ng US forces sa Filipinas ay para paglagakan ng mga equipment sa disaster response.
Ayon sa US envoy, hindi maaaring magtayo ng ano mang pasilidad ang Amerika sa mga base militar ng Filipinas, nang walang pahintulot ng Philippine government.
“We are not building a weapons depot anywhere in the Philippines,” ani Ambassador Sung Kim.
Una rito, sinabi ni Duterte, may stockpile ang Amerika ng mga armas, kabilang na ang mga tangke, sa tatlong lokasyon sa bansa, posible aniyang maging probokasyon sa China at malagay sa panganib ang Filipinas.