UNANG pupuntiryahin ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa sa giyera kontra scalawags sa hanay ng PNP, ang mga tiwaling pulis na natanggal ngunit nakabalik sa serbisyo.
Ito ay kaugnay sa malawakang internal cleansing na ilulunsad ng Pambansang Pulisya, nang masangkot ang ilang mga pulis sa pagkidnap at pagpatay sa Koreanong si Jee Ick-joo.
Ang sindikato ng mga tiwa-ling pulis na pinangungunahan ni SPO3 Ricky Sta. Isabel at ng kanyang boss sa AIDG na si Supt Rafael Dumlao, ay sinasabing ginamit ang “Oplan Tokhang” u-pang sila ay magkapera.
Kamakalawa, inihayag ni Dela Rosa, alinsunod sa direktiba ng pangulo, pansamantalang ititigil ng PNP ang war on drugs upang makapag-concentrate sa paglilinis ng hanay ng mga pulis.
Sinabi ng heneral, nakatiti-yak siyang mas marami pang ka-tulad nina Sta. Isabel at Dumlao sa hanay ng mga pulis, at determinado siyang mahanap ang lahat bago siya magretiro sa susunod na taon.
Isang counter intelligence task force ang inilunsad ni Dela Rosa para tukuyin at tugisin ang lahat ng police scalawags, si-mula sa mga tiwaling pulis na dati nang may record, ngunit aktibo pa rin sa serbisyo.
Ayon kay Dela Rosa, ang giyera kontra scalawags ay magiging kasing tindi ng giyera kontra droga, at hinamon niya ang mga tiwaling pulis na subukan lumaban sa mga operatiba na kanyang itatatag na counter intelligence task force.