Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagong ambassador ng Tanduay, bagong alaga ng Viva

“THIS is a major break for someone like me who’s just starting out in showbiz.” Ito ang nasabi ni Kara Mitzki nang ipakilala siya ng Viva Artists Agency bilang pinakabagong calendar girl ng Tanduay White.

Bagamat isang multi-talented star na nakakakanta, nakasasayaw, at nakaaarte si Mitzki hindi biro na ihilera siya agad sa mga kilala at naglalakihang pangalan at dating ambassador din ng produktong ito na sina Heart Evangelista, KC Concepcion, Jennylyn Mercado, at Jessy Mendiola.

Ipinanganak si Mitzki sa ‘Pinas subalit lumaki sa Sydney, Australia. Ang kanyang ina ay isang Filipino-Japanese samantalang ang kanyang ama  ay may lahing Filipino, Spanish, at Greek kaya naman may dugong banyaga at tunog foreigner ang kanyang last name.

“I was born into a family of musicians’ on my dad’s side,” giit ng dalaga. ”And I started singing and dancing very early, when I was around 3 years old.”

Unang sumabak sa showbiz si Mitzki taong 2010 sa pamamagitan ng paggawa ng commercial, print ads, at TV guestings. Subalit after a year ay iniwan niya ito para harapin ang pag-aaral at ang kanilang family business.

Subalit kapag hilig talaga ang pag-aartista hindi madaling iwan. Kaya naman taong 2015 ay bumalik siya sa showbiz. ”I love live performances talaga in front of the crowd,” aniya. ”Super saya ako ‘pag nasa stage performing, sharing and inspiring people.”

Sa isang live gigs para sa Tanduay siya napansin kaya naman hindi na siya pinakawalan pa para maging brand ambassador ng naturang produkto.

Pero ayon nga kay Mitzki, hindi naging madali para sa kanya na maging endorser agad.  ”Ang dami kong pinagdaanan para makuha ‘yung endorsement,” tugon niya. ”But I really put my heart to it. This is a major break for someone like me who’s just starting out in showbiz. Now that it’s finally here, I consider it a big honor. Besides I really drink Tanduay white. I think it’s one of the best best so far that Tanday has ever created. Masarap siyang gawing cocktail.”

Kasabay ng paglulunsad sa kanya bilang ambassador ng Tanduay, handa na rin si Kara na harapin ang malaking mundo ng showbiz. Pangarap niyang magkaroon ng debut album with original songs, a major concert, a launching movie, regular TV shows, at awards. Pangarap din niyang makatrabaho sina Sarah Geronimo, James Reid, at Nadine Lustre gayundin si Sam Milby.

Pangako ni Kara, magtatrabaho siyang mabuti para makamit ang mga pangarap niya. Lalo ngayong may nagbukas na magandang oportunidad sa kanya. ”I’m the type of person who doesn’t back down from challenges. I actually challenge myself and I’m always on the lookout for ways to make my life interesting. I would say that I’m very unpredictable in a good way.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …