TILA naiba naman ang estilo ngayon ng 2016 Miss Universe dahil nang tawagin ang Top 13, sumalang agad sa isang casual interview ni Steve Harvey, ang host, ang mga ito.
Unang tinawag si Miss Kenya na kauna-unahang naging contestant mula sa kanyang bansa. Sa murang edad, maagang nawala ang kanyang mga magulang. Isinunod si Miss Indonesia, si Kezia Warouw na tila naiilang pag-usapan ang ukol sa kanyang pagiging six feet tall, one foot taller sa average na taas ng mga babae sa kanyang bansa.
Pinag-usapan naman nina Miss USA, Deshauna Barber at Harvey ang ukol sa pagiging US reserved o pagiging miyembro nito ng militar.
Kasama rin sa Top 13 sina Miss Mexico, Miss Peru na si Valeria Piazza na nagkaroon ng car accident na halos maging sanhi ng kanyang pagka-paralisado at naging motivation ang Miss Universe pageant para mabilis na maka-recover mula sa aksidente; Miss Panama, Miss Colombia, Miss Philippines, Miss Canada, Miss Brazil, Raissa Santana, na 1st black woman to represent her country for over 30 years; Miss France; Miss Haiti, at Miss Thailand na siyang may pinakamaraming bagaheng dala-dala &17 suitcases.
Si Miss Thailand, Chalita Suansane ang nagwagi sa fan vote.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio