Saturday , November 16 2024

Iris Mittenaere ng France Miss Universe 2016 (Maxine Medina, top 6)

013117_FRONT

ITINANGHAL bilang bagong Miss Universe ang pambato ng France na si Iris Mittenaere.

Nangibabaw ang ganda at talino ng 23-anyos tubong Lille, France mula sa 86 kandidata na su-mabak sa 65th Miss Universe pageant.

First Runner-up ang pambato ng Haiti na si Racquel Pelissier, habang second runner-up si Miss Colombia Andrea Tovar.

Naging mahigpit ang laban nina Miss France at Haiti sa question and answer portion.

Sa unang interview, iba’t ibang tanong ang ibi-nato sa mga kandidata.

Ang tanong kay Miss France, ano ang pananaw niya sa refugee crisis at kung dapat isara ng bansa ang border sa refugees.

Ayon kay Mittenaere, dapat kupkupin ang re-fugees at buksan ang border ng bansa.

Aminado ang French beauty queen, mahirap ang naging tanong sa kanya bagama’t obligasyon niyang sagutin ito.

Sa final interview, iisang tanong lang ang sinagot ng tatlong finalists.

Itinanong sa kanila kung ano ang kabiguan na kanilang naranasan sa buhay at kung ano ang natutunan nila mula rito.

Sinabi ni Miss France, kahit may kabiguan, dapat pa ring bumangon, huwag matakot sumubok muli at magpatuloy.

Habang tumatak ang sagot ni Miss Haiti Racquel Pelissier, inihalimbawa niya ang nangyaring lindol sa Haiti noong 2011 na isa sa mabigat na pagsubok na kanyang hinarap.

Nabatid na survivor ng 2011 earthquake ang 25-anyos, may Master’s Degree sa Scientific Research in Optometry and Vision.

Ayon kay Miss Haiti, ang pagiging survivor niya ang dahilan kung bakit niya ngayon ipinagpapatuloy ang pangarap na makasali sa Miss Universe pageant.

Samantala, “no regrets” ang pambato ng Filipinas na si Maxine Medina, nagtapos na kabilang sa Top 6 sa 65th Miss Universe coronation.

Inihayag ng 26-year-old interior designer mula Quezon City, masaya siya bilang Top 6 finisher, sana raw ay ma-appreciate ito ng mga kababa-yang Filipino.

“I’m good. I’m happy na at least nakapasok tayo sa Top 6. I hope, I did my best. Thank you so much sa lahat ng mga Filipino na sumuporta sa akin. Hindi kayo bumitaw,” ani Medina.

Umapela siya sa kanyang bashers partikular sa question and answer portion, maging masaya na lamang para sa kanya.

Aniya, “Let’s move on. It’s already done. Let’s have fun. At least Top 6 and Miss Universe happened here in the Phi-lippines. It’s history.”

Gumamit ng interpreter si Medina, unang beses sa kasaysayan ng pagsali ng Filipinas sa Miss Universe.

Tinagalog ng kanyang interpreter ang katanu-ngan: “What is the most significant change you’ve seen in the world in the last 10 years?” na sinagot niya sa Ingles.

Maxine: “The last 10 years of being here in the world is that I saw all the people being in one event like this in Miss Universe, and it’s something big to us that we are one, as one nation, we are all together.”

Bati ng Palasyo
CONGRATS MISS FRANCE,
GOOD JOB MISS PHILS

MAINIT ang pagbati ng Malacañang kay Miss France Iris Mittenaere, bilang bagong Miss Universe.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, labis ang kasiyahan at pagdiriwang ngayon ng mamamayan ng France, at maituturing na “proud moment” ito ng kanilang bansa.

Ayon kay Abella, hindi lamang napanalunan ni Iris ang desisyon ng judges, kundi maging ang pagmamahal ng buong mundo.

Kasabay nito, binati rin ni Abella si Miss Philippines Maria Mika Maxine Medina, napabilang sa Top 6, at sinabing maga-ling ang representasyon sa Filipinas sa international scene.

“Congratulations to the new Miss Universe, Iris Mittenaere of France. People of France are rejoicing. Truly, this is a proud moment for their country. Iris brought tremendous joy to her people by representing France well on the international stage with her winning grace, regal bearing and inspiring answer. She has won not only the nod of the judges but the affection of the entire world as well. We likewise congratulate Maria Mika Maxine Medina for making it to the Top 6. She represented the Philippines well in the international scene. Our best wishes to the 65th Miss Universe,” ani Abella.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *