Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Voice, naghahanap na ng artists para sa kauna-unahang ‘Teens’ season

MATAPOS marinig ang boses ng adult at kiddie artists, pagkakataon naman ng teens na bumida ngayong 2017 sa kauna-unahang pagkakataon sa buong Asya sa top-rating singing reality show na The Voice.

Nagsimula na nga ang paghahanap sa susunod na singing superstar sa pamamagitan ng auditions na ginanap sa Quezon City, Bataan, Cavite, at Tacloban, Leyte Kamakailan na dinumog ng higit kumulang 6,000 auditionees.

Patuloy namang susuyurin ng programa ang iba’t ibang bahagi ng bansa para hanapin ang artists na edad 13 hanggang 17  na handang ipaglaban ang kanilang pangarap at boses.

Para sa mga gustong sumali, ihanda na ang audition song at sumugod sa Starmall Las Pinas at KCC Mall sa General Santos City (Pebrero 4), at sa Star Mall EDSA Shaw (Pebrero 5).

Huwag ding palampasin ang auditions sa Robinsons Townville sa Pulilan, Bulacan (Pebrero 11), KCC Mall De Zamboanga (Pebrero 11 at 12), Robinsons Townville Cabanatuan, at Robinsons Townville BF Paranaque (Pebrero 18), Robinsons Supermarket Perdices sa Dumaguete (Pebrero 19), at sa Vista Mall Pampanga at Vista Mall Taguig  (Pebrero 25).

Sa aling bahagi ng Pilipinas o mundo kaya manggagaling ang susunod sa yapak ng The Voice of the Philippines champions na sina Mitoy at Jason Dy, at The Voice Kids champions na sina Lyca Gairanod, Elha Nympha, at Joshua Oliveros?

Samantala, bukod sa The Voice Teens ay bubuksan din ang auditions sa naturang mga lugar at araw para sa programang Dance Kids para sa mga batang edad 4 hanggang 17 na maaaring solo, duo, o group.

Kasama rin ang top-rating noontime program sa bansa na It’s Showtime sa audition caravan para sa segments nitong Star Circle Quest para sa mga edad 13 hanggang 19 at  Funny One para sa mga komedyanteng edad 18 pataas. Inaaanyayahan din ang mga mang-aawit na sumabak sa auditions para sa Tawag ng Tanghalan (edad 14  pataas) at Tawag ng Tanghalan Kids (edad pito hanggang 13).

Para naman sa The Filipino Channel (TFC) subscribers at Kapamilya na nakatira sa ibang panig ng mundo, maaaring mag-audition para sa The Voice Teens at Tawag ng Tanghalan sa pamamagitan ng pagbisita at pag-a-upload ng audition videos sa audition.abs-cbn.com.

Abangan ang pagsisimula ng The Voice Teens ngayong taon sa ABS-CBN. Para sa updates ukol sa programa, bisitahin ang thevoice.abs-cbn.com, i-like ang www.facebook.com/thevoiceabscbn sa Facebook o i-follow ang @thevoiceabscbn the Twitter at @abscbnthevoice sa Instagram.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …