Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Luis, confident na for keeps na ang relasyon nila ni Jessy

NO less than Luis Manzano ang nag-host sa Chinese New Year’s Eve celebration ng La Campana (Mighty Corporation) sa napakalawak nitong tanggapan sa Makati City.

Dalawang separate parties for the employees and officers (kabilang ang ilang piling members of the media) ang nilagare ni Luis, clad in predominantly red checkered shirt.

Pagdating sa isang palapag ng kabilang gusali, sinimulan ni Luis ang programa with warming up its guests sa pamamagitan ng raffle of prizes na pampasuwerte bilang pagsalubong sa Year of the Rooster.

Eto na, sa dinami-rami ng mga naroon ay isa si Tita Cristy Fermin na nanalo ng pigurin ng tandang. Biro nito nang tanggapin ang lucky charm, “Gusto ko sana, eh, si Jessy Mendiola ang napanalunan ko!”

Biro na sinakyan naman ni Luis, “Lucky charm siya sa buhay ko!”

And who would dare disagree sa tinurang ‘yon ni Luis, this despite public perception (at prediksiyon) that theirs is a relationship na hindi rin magtatagal following the pattern sa buhay-pag-ibig ng TV host-actor.

Confident nga si Luis na for keeps na ang relasyon nila ni Jessy, then so be it. Hindi naman din kasi maikakaila ‘yon sa aura ni Luis.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …