Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ipinagbubuntis ni Kylie, made in Japan kahit 3 mos. nang nakikipag-live-in kay Aljur

BALITANG “made in Japan” ang ipinagbubuntis ni Kylie Padilla, nagbakasyon kasi sila ni Aljur Abrenica sa binansagang Land of the Rising Sun sa Asya at doon nga raw nabuo ang inaabangan nilang bunga ng kanilang pagmamahalan.

But mind you, may tatlong buwan na rin daw palang nagli-live in ang dalawa, having rented a unit na ang location ay sila lang ang nakaaalam.

In other words, both Aljur and Kylie have seen the latter’s pregnancy coming. Kayo ba naman ang magsama sa iisang bubong ng ganoon katagal, imposibleng walang ibunga ‘yon, ‘di ba?

At sa balitang nagkaharap-harap na ang young couple at si Robin Padilla over dinner, ibig lang sabihin, tanggap ng action star ang “sinapit” ng anak.

Pabiro pa ngang tinanong ni Robin si Kylie ng, “Buntis ka, ano?” nang sabihin nito sa ama na, “’Pa, may sasabihin ako sa ‘yo…”

Pero bakit tila nagdaramdam si Aljur na inunahan daw sila ng management office ni Kylie (through Betchay Vidanes) in breaking the news? Ani Aljur, hindi raw sila dapat pangunahan ni Kylie since they’re the ones involved in the issue.

But come to think of it, alangan namang sa kampo ni Aljur manggaling ‘yon, samantalang sa tanggapin niya o hindi—pangit mang pakinggan—ay wala naman siyang career na masasabing aktibo?

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …