DUMATING kamakailan ang 1993 Miss Universe na si Dayanara Torres para maging bahagi ng 65th Miss Universe na gaganapin sa MOA sa January 30.
Third time na raw ito kay Dayanara para mag-judge sa Miss Universe at espesyal ang taong ito dahil sa Pilipinas gagawin ang prestihiyosong beauty pageant.
Laging sinasabi ni Yari (tawag kay Dayanara) kung gaano niya kamahal ang Pilipinas. Matatandaang after ng kanyang reign noon ay namalagi pa siya sa ‘Pinas at pinasok ang showbiz. Ilan sa pelikulang nagawa niya ay ang Hataw Na with Gary Valenciano at Basta’t Kasama Kita with Aga Muhlach.
Looking forward naman si Dayanara na makilala ang reigning Miss Universe na si Pia Wurtzbach.
YUN NA – Mildred A. Bacud