Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
?????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????

Pagbubuntis umano ni Kylie, isinisi sa endorsement ni Robin

NOONG Martes, isang listener ng Cristy Ferminute ang nagkompirmang kinunan na ang death scene ni Amihan (played by Kylie Padilla) sa fantaserye ng GMA.

The program source happened to be a Kapuso star also, pero hindi kabilang sa palabas ng aktres na balitang tatlong buwan ng nagdadalantao sa nobyo niyang si Aljur Abrenica.

Nagsimula ang isyung ito sa blind item, hanggang pinangalanan pero patanong pa rin kung preggy si Kylie.

Pero ang pagpatay sa karakter ni Amihan—gayong ang papel pala ni Gabbi Garcia ang tsutsugihin—ay malinaw na pagbubuntis ni Kylie ang dahilan sa likod nito.

Siyempre, umani ng sari-saring reaksiyon mula sa mga CFM listeners ang iniulat namin. Pero ang pinaka-cruel ay ang opinyon na nagbubunton ng sisi kay Robin Padilla, ama ni Kylie.

Paano raw kasing hindi mabubuntis si Kylie, eh, ang mga ineendoso ni Robin ay isang pang-machong health drink at isang tanyag na motel (may billboard pa sila ng asawang si Mariel Rodriguez)?

Naengganyo raw dahil doon ang magnobyong Kylie at Aljur.

Para sa amin ay walang kinalaman ang mga product endorsement ni Robin sa pagbubuntis ng anak ng wala sa panahon. Kylie is of age, so is Aljur.

Alam nilang pareho ang consequence ng kanilang ginawa, that is, ang makompromiso ang kanilang career.

Pero pagdating sa usapin tungkol sa pagbubuntis, ito ay isang regalo mula sa Itaas. Sabihin na nating nagkulang sa pag-iingat o umiral ang pagiging mapusok nina Aljur at Kylie, pero hindi maikakaila na ang nasa sinapupunan ng huli’y bunga ng kanilang pagmamahalan.

Sa parte ni Robin, natural lang na almahan niya ang pangyayari. Noon pa man ay tutol na siya kay Aljur.

Pero hindi man si Aljur ang karelasyon at nakabuntis kay Kylie ay mananatili pa ring protective dad si Robin. Ayon sa marami,  palibhasa’y chick boy o babaero rin kasi ang ama.

Whatever, mas sasaluduhan namin sina Aljur at Kylie in taking care of a life inside the latter’s womb as they look forward to seeing it exposed in the Christian (or Muslim?) world.

Aanhin nila ang career nilang pareho kung tatalikuran naman nila ang parenthood? To begin with, hindi naman sa pagmemenos pero nasa peak ba ng kanilang career sina Aljur at Kylie sa kasalukuyan?

Naku naman.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …