Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Libo-libong fans ng ToMiho, sumugod sa 1st day showing ng Foolish Love!

IN full force ang libo-libong fans club ng ToMiho para suportahan ang pelikula nina Tommy Esguerra at Miho Nishida, ang Foolish Love ng Regal Entertainment.

Sa first daw showing pa lang, limang blocked screening kaagad ang kanilang ginawa. Una na ang pa-blocked screening ng Tomiho Groups sa pangunguna ni Merly Peregrino na ginanap sa Cinema 2 ng SM North, The Block na dinaluhan nina Miho at Tommy.

Ani Mami Merlie Barte ng Tomiho Universal, “Gusto lang namin iparamdam sa ToMiho ang pagmamahal namin sa kanila kahit man lang sa ganitong paraan ay maipakita namin sa kanila ang aming suporta.

“Mahal na mahal namin ang ToMiho at alam naman naming mahal na mahal din nila kami.”

Habang nagbiyahe pa mula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas ang mga grupo ng Miho Young @ Hearts sa pangunguna ni Tita Helen De Jesus para magkaroon ng 3rd blocked screening sa SM Mega Mall Directors Club na dinaluhan ni Miho kasama ang kanyang manager na si Jovan Dela Cruz.

Araw-araw ding magkakaroon ng blocked screening ang fans ng ToMiho para maging matagumpay ang pagpapalabas ng Foolish Love na  kauna-unahang pelikula ng ToMiho kasama sina Jake Cuenca, Cai Cortez, Jerald Napoles, Beverly Salviejo, at Angeline Quinto.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …