Friday , April 18 2025

P20.3-M yaman ni Sta. Isabel (Pulis nadawit na sa KFR)

UMAABOT sa P20.3 mil-yon ang net worth ng pulis na sangkot sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyanteng si Jee Ick Joo.

Sa pagdinig ng Senado sa pagpatay ng ilang pulis sa Korean businessman, sinabi ni Chief Supt. Roel Obusan, director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), aabot sa P17.3 milyon ang net worth na idineklara ni Sta. Isabel sa Philippine National Police (PNP).

Mayroon siyang P14.4 milyon assets at real at personal properties na nagkakahalaga ng P2.9 milyon noong 2015.

Mayroon din idineklara si Sta. Isabel na limang bahay at mga lote sa Bagumbong, Caloocan at apat-palapag na commercial building sa Cubao, Quezon City.

May idineklara rin siyang apat sasakyan na kinabibilangan ng 2014 Toyota Hi-Lux, 2012 Toyota Vios, 2014 Honda tricycle at 2012 Kawasaki tricycle at liabilities na nagkakahalaga ng P3 mil-yon.

Ngunit sa pagtatanong ni Sen. Grace Poe, lumabas na aabot lamang sa P8,000 ang sahod ni Sta. Isabel kada buwan sa pagiging pulis na may ranggong SPO3.

Ngunit nagdpensa si Sta. Isabel, sinabing marami siyang loan at magaling ang asawang si Jinky na law graduate, sa pagpapatakbo sa kanilang negosyo.

“Sa sipag niya dahil sa insurance po, commission-based diyan kaya napalago ‘yung business namin, lumaki po,” ani Sta Isabel.

Dagdag ni Sta. Isabel, nag-o-offer din sila ng insurance at nagmamay-ari ng branches ng Western Union at Bayad Center at lotto outlet.

Ngunit sa kabila nito, hinimok ni Senator Panfilo Lacson, chairman ng Senate committee, ang PNP na ipursige ang financial investigation kay Sta. Isabel.

“Importante ‘yan e. Pag specialized unit o special unit ang pupuntahan, dapat hindi lang partial background investigation, complete background investigation [dapat] and record check, ‘di ba? There’s a lot to learn from this bitter lesson pero we have to learn from it and moving forward, i-correct na natin,” wika ni Lacson.

PULIS NADAWIT
NA SA KFR

SA pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa kontrobersiyal na “tokhang for ransom” agad inihayag ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, dati nang nadawit si SPO3 Ricky Sta. Isabel sa kasong kidnapping.

Ayon kay Dela Rosa, may kasong kidnapping si Sta. Isabel noong Marso, 2007 sa nagngangalang Arnel Tan sa bahagi ng Caloocan City. Ngunit ayon kay Dela Rosa, na-dismiss ang kaso ni Sta. Isabel.

Bunsod nito, itinanong ni Senador Vicente Sotto III kung bakit napasok pa sa Anti-Illegal Drugs Group sa PNP si Sta. Isabel.

Habang ikinagulat ni Senador Panfilo Lacson, chairman ng Public Order and Dangerous Drugs Committee, nang aminin ni Sta. Isabel na noong Hulyo lamang ng nakaraan taon siya naitalaga sa AIDG ng PNP, sa panahon nang pag-upo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inamin ni Sta. Isabel na si Supt. Raphael Dumlao ang nagpasok sa kanya sa AIDG.

Hindi ito itinanggi ni Dumlao ngunit idiniing ngayon lamang sila nagkasama ni Sta. Isabel sa isang unit at nakilala niya si Sta. Isabel sa EOD.

Naungkat sa pagdinig kung paano nakapasok sa pagkapulis si Sta. Isabel.

Sinabi ni Sta. Isabel, noong 1996 siya nakapasok sa PNP at dati siyang driver sa Napolcom noong 1990.

Iginiit ni Sta. Isabel na hindi siya sangkot sa pagdukot at pagpaslang kay Jee Ick-joo.

Idiniin niya Supt. Dumlao na siyang nakita niya sa sasakyan habang pinapalo ng .46 kalibre ng baril ang biktima na nakapiring ang mga mata.

(CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *