Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris Bernal, ayaw na raw sa GMAAC kaya ‘di pa pumipirma sa GMA

BALITANG bumalik na (ang tanong, umalis ba?) si Kris Bernal sa GMA. Now, she’s cast in the network’s upcoming project.

Kung matatandaan, kasabay ng pagkawala ng isa pang Kris (Aquino, this time) sa ABS-CBN ay usap-usapan ang paglipat ni Bernal sa naturang estasyon.

How and why nga lang na hindi ‘yon na-consummate o natuloy ay hindi na naisapubliko.

But the mere fact na kasama si Kris B sa Christmas ID ng GMA last year ay isang patunay na nasa Kapuso Network pa rin siya.

Isang source ang aksidenteng nakasalubong ni Kris, mas gumanda raw ito. Isang taon na pala siyang nakatengga, her last project being with no less than Nora Aunor, ang Little Nanay.

This same source ang nagkompirma sa amin na bagamat Kris remains with GMA ay hindi pa siya pumipirma ng kontrata. Technically, hindi pa rin siya bahagi ng bagong show na bubuksan.

Ang dahilan umano ng ‘di pagpirma ni Kris ay ayaw niyang sumailalim sa GMA Artist Center. Sa mga hindi nakaaalam, malaki rin kasi ang porsiyentong napupunta sa nasabing tanggapan mula sa kinikita ng mga artista sa ilalim nito.

But in fairness to GMAAC, ito rin naman ang naghahanap ng mga trabaho para sa kanilang artist hitsurang simpleng ribbon-cutting lang ‘yan o kung anumang “barya-baryang” raket.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …