ISINUGOD sa ospital si National Democratic Front of the Philippines (NDFP) senior political consultant Jose Maria Sison kahapon ng umaga.
Ito ang dahilan kung bakit hindi nakadalo si Sison sa closing ceremony ng third round ng peace talks sa Rome, Italy.
Ayon sa Royal Norwegian Government (RNG), patuloy na bumubuti ang kondisyon ni Sison, co-founder ng Communist Party of the Philippines (CPP) at kasalukuyang kabilang sa terror list ng Estados Unidos.
Samantala, sinabi kahapon ni Labor Secretary at government peace panel negotiator Silvestre Bello III, isusulong nila ang pag-alis kay Sison bilang terror personality.
Ito ay kabilang aniya sa kanilang paghahanda sa pagpupulong ng na-sabing communist leader at ni Pangulong Rodrigo Duterte.