HINAMON ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kasunod ng pahayag ng dating punong ehekutibo kaugnay nang pagkamatay ng 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao.
Ayon kay Aguirre, isuko ni Aquino ang kanyang mobile phone para sa forensic examination upang malaman ang kanyang naging utos sa mga hene-ral sa operasyon, kabilang si Purisima na noon ay suspendido pa sa serbisyo.
Ito ang tugon ni Aguirre kay Aquino sa tila paghuhugas-kamay sa operasyon sa Mamasapano dalawang taon na ang nakararaan na ikinamatay ng 67 katao, kabilang ang 44 miyembro ng PNP-SAF.
Labis din na ipinagtaka ni Aguirre kung bakit hindi nadawit ang pangalan ng dating pangulo sa pagkamatay ng mga miyembro ng PNP-SAF troopers.