HINDI naging-a la Santa Claus nitong nagdaang Pasko ang isang aktres-politiko, pero para sa mga reporter na nakakikilala sa kanya ay hindi na ‘yon kataka-taka.
May record kasing makunat pa sa belekoy ang personalidad na ‘yon.
Tandang-tanda pa ng isang beteranong manunulat nang minsang maimbitahan sila ng aktres sa tahanan nito sa labas ng Metro Manila. Sa malawak nitong hardin inestima ng aktres ang bisitang taga-press.
Nagkataong nasa labas din ang kanyang mga anak na noo’y tangan ang kanilang mga battery powered-electronic gadget.
“Mama, low bat na ‘ko. Pabili ka ng baterya,” pautos na sabi ng isa sa mga anak.
Pero dahil sa kakuriputan ng aktres-politiko ay kinalas niyang lahat ang mga baterya, kumuha ng bilao at saka ibinilad ang mga ‘yon sa ilalim ng matinding sikat ng araw.
Da who ang kuring na aktres-politiko? Itago na lang natin siya sa alyas na Laarni Merengue.
(Ronnie Carraso III)