ISANG Pinay na kumikilala ng natatanging katangian ng buong mundo at nanirahan sa Japan ng mahabang panahon ang nakatakdang kumilala at mag-abot ng parangal sa mga world -class achievers mula Amerika, Japan, Sri Lanka, at Pilipinas. Gaganapin ang award rites sa Heritage Hotel ngayong January 28, araw mismo ng Chinese New Year at dalawang araw bago ang 65th Miss Universe pageant dito sa bansa.
Ang multi-awarded Filipina singer-civic leader na si Emma Toba (Emma Cordero), na nakasungkit din ng titulong Woman of the Universe sa 2016 Mrs. Universe pageant sa China ay maghahandogdin ng dinner ceremony para sa 82 world-class achievers sa iba’t ibang larangan. Ang honorees ay napili ng World Class Excellence Award Japan (WCEAJ), an organization founded by Toba in 2015 to pay tribute to extraordinary achievers from all over the world.
“Ang aming awardee ay nabigyan na ng pagkilalala ng ilang ulit at pagkakataon sa mahabang panahon pero sinikap din naming kumilala ng mga baguhan na alam naming may katangiang makilalala o mapansin,wika nga. Envisioned ng WCEJA to be a source of inspiration to people whose passion for excellence in performing their crafts is so much alive and whose desire to bring pride and honor to their country is indeed part of their dreams and aspirations,” sambit ni Emma at para maiba sa ibang awarg giving bodies.
“Muli, pararangalan namin ang taong nagkamait na ng maraming karangalan sa nakalipas na panahon upang ibalik sa alaala ng publiko ang kanilang kadakilaan. Ang totoo niyan, wala namang tao rito sa mundo ang magsasabing umaaapaw na ang angkin o kanilang karangalan,” nakangiting sambit ni Emma.
Ilan sa mga entertainment artist and leaders who will be honore ay ang tatlong Iconic Kings of Philippine Music (Freddie Aguilar, Heber Bartolome, Randy Santiago). Si Lito Camo ay kikilalanin naman bilang Iconic King of Philippine Novelty Music. Ang US-based Filipino jazz singer na si Lourdes Duque-Baron ay makatatanggap ng World Class Performing Arts Icon.
Sa larangan ng broadcasting, isa sa gagawaran ng parangal si Boy Abunda bilang Iconic King of Philippine TV Talk Shows kasama rin sina Jobert Sucaldito bilang Outstanding Filipino Entertainment Media Broadcaster and Publicist, at Andy Verde bilang Outstanding Legendary Broadcaster.
May mga entertainment journalist din ang bibigyan ng award, sila ay sina veteran columnist Crispina Martinez-Belen bilang World Class Journalist and Entertainment Editor.
Pararangalan din si Juan Rodrigo bilang World-Class Actor, Gary Estrada bilang Outstanding Actor and Outstanding Local Legislator, at ang film producer na si Baby Go bilang World-Class Independent Producer.
Sa Japan naman, bibigyang parangal sina Aisaku Yokogawa, Murauchi Takashi, at Grace Ballesteros Kuramo.
Si Emma ay recipient din ng hindi na mabilang na citations mula sa international award-giving bodies. Kabilang dito ang Asia’s Princess Of Songs ng Asia Pacific Awards Council noong 1997 para sa kanyang world-class performances sa ilang bansa at pagiging composer; Most Outstanding International Performer 2015 sa Gawad Amerika para sa kanyang international hit single na Ai Wo Agetai (I Wanna Give Love).
Layunin ng WCEJA na maitaas ang antas ng paniniwala, pag-asa, at inspirasyon para sa mga indibidwal na naniniwala sa kanilang kakayahan at kahalagahan.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio