Friday , November 15 2024

Pananamantala sa Oplan Tokhang agad nasasawata ng QCPD

VIRAL or talk of the town ngayon ang “toknap”  – oplan tokhang kidnap for ramson, na kinasasangkutan ng ilang pulis.

Partikular na dumudungis ngayon sa Philippine National Police (PNP) ang nangyaring pagdukot at pagpatay mismo sa loob ng Kampo Crame kay Korean national business Jee Ick-joo.

Itinuturong mastermind sa krimen ay si SPO3 Ricky Sta. Isabel pero pinabulaanan ng pulis ang akusasyon kasabay ng pagtuturong ang kanyang mga superior na nasa likod ng krimen.

Ano pa man, mabuti at nabuko ang modus, ang pananamantala sa ipinaiiral na kampanya laban sa ilegal na droga – ang Oplan Tokhang. Lamang, kinakailangan pang may mamatay – at dayuhan pa, bago nabuko ng mga nakatataas ang modus sa likod ng Oplan Tokhang.

So, nararapat siguro natin pasalamatan ang pamilya o ang asawa ni Jee Ick-joo sa paglantad para ibunyag ang kalokohan sa likod ng kampanya laban sa droga. Ngunit, kami naman ay nakikiramay po sa inyo madame. Hanga po kami sa inyong katapangan.

Pero siguro kung naging mapagbantay ang mga nakatataas sa PNP hinggil sa pagpatupad sa kampanya – iyon bang pinag-aralan sana nila ang mga puwedeng mangyari pananamantala sa tokhang marahil ay agad na nasawata ang lahat.

Katunayan, ang nangyari kay Jee Ick-joo ay masasabing hindi isolated case – marami na kasing kasong halos kahawig nito.

Inaresto ang mga tulak at ipinatutubos sa kaanak sa malaking halaga simula nang simulan ang kampanya noong Hulyo 2016.

Sa Quezon City, nangyari na rin ang kasong tubusan blues. Hindi lang isa kundi dalawang beses. Lamang, hindi nagtagumpay ang modus dahil sa mahigpit na kampanya ni Quezon City Police District (QCPD director, P/Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar.

Hindi lamang laban sa ilegal na droga at kriminalidad kundi laban din sa ninja cops at mga pulis na kotongero at mahilig magbangketa ng aarestong drug pushers/users.

Oo, nangyari na sa QC ang halos kahawig na kaso ni Jee Ick-joo pero hindi nga lang nagtagumpay ang mga pulis noon.

Agosto 2016, may inarestong isang drug pusher ang mga operatiba ng QCPD Police Station 6 – Station Anti-Illegal Drugs noon. Take note ha, pulis ang involved. Tatlong pulis mulang SAID at ang pag-aresto sa pusher ay pagpapatupad ng Oplan Tokhang.

Kapalit ng kalayaan ng pusher, ipinatutubos ito sa kaanak ng P15,000. Pumayag naman ang huli pero, lingid sa kaalaman ng tatlong pulis na nagsumbong, ang mga biktima kay Supt. Lito Patay, hepe ng PS 6.

Dahil nga sa mahigpit ang bilin ni Eleazar laban sa mga abusadong pulis, isang entrapment operation ang ikinasa ni Patay laban sa kanyang tatlong pulis. Hayun, naaresto ang tatlo mismo sa bisinidad ng PS 6.

Meaning, dahil sa laban ng QCPD sa lahat ng klase ng kriminalidad, pulis man ang sangkot, agad na nasawata ng pulisya ang pananamantala sa Oplan Tokhang. Nang madakip ang tatlong pulis, lahat ng pulis ng SAID maging ang hepe rito ay sinibak ni Eleazar bilang pagpapakita na seryoso siya sa kanyang kampanya o pagpapatupad sa giyera ni Pangulong Duterte laban sa droga at sa mga tiwaling pulis.

Isa pang kasong katulad nito ay nangyari naman sa loob ng Masambong Police Station 2. Ipinatutubos din ng ilang pulis SAID sa kaanak ang naarestong pusher. Nagsumbong din ang kaanak kay Supt. Rogarth Campo, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU). Kaya, sa entrapment operation, huli rdin ang pulis SAID ng PS 2.

Again, sinibak ni Eleazar ang mga pulis sa SAID ng PS 2 maging ang kanilang hepe. Siyempre, kinasuhan din ang mga sangkot.

Kung susuriin, madaling masawata ang mga kalokohan sa likod nang pang-aabuso sa Oplan Tokhang. Nasa sinseridad na lamang kasi ito ng mga hepe hanggang sa District Director.

Sa QCPD, dahil sa ipinakikitang seryosong pagpapatupad o sinseridad ni Eleazar sa kampanya, ang resulta nito’y maayos – ang mga hepe niya sa mga estasyon at iba’t ibang operating units ay hindi nagdadalawang isip na sumunod at sumuporta  sa kampanya laban sa lahat ng salot, pulis man ang sangkot.

Ang maganda rito, mula nang ipinakita ng QCPD ang sinseridad sa kampanya at maging mga pulis QC ay dinadakip na rin ng kapwa QC pulis nila, masasabing bumalik ang pagtitiwala ng mamamayan ng lungsod sa QCPD.

Katunayan, sa tuwing may QC pulis na nagtatangkang mangotong sa kaanak ng kanilang mga inaaresto, hindi na nagdadalawang isip na magsumbong sa mga hepe ng estasyon ang mga biktima. Sa pagsusumbong, agad nadadakip ang mga kotongerong pulis. Ang pinakahuling insidente nga ay iyong tatlong pulis ng Warrant Section – hayun, sa tangkang pangongotong ng P120,000 sa isang negosyante, ikinalaboso ni Supt. Danilo Mendoza, hepe ng Sangandaan PS3. Ang tatlong pulis ay ipinatapon ni Eleazar sa Mindanao para magtanda bukod sa nahaharap sa kasong kriminal at administratibo.

Iyan ang QCPD ngayon, lahat katalo, pulis man ito o kabaro nila sa QCPD.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *