NAGPAABOT nang pakikiramay ang Palasyo sa mga naulila ni Jakatia Pawa, ang Filipina domestic helper na binitay kahapon sa Kuwait dahil sa kasong pagpatay sa anak ng kanyang amo.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ginawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang maisalba sa kamatayan si Pawa ngunit hindi umubra sa mga batas ng Kuwait.
“It is with sadness that we confirm the execution of Jakatia Pawa this afternoon (Philippine Time).The Philippine government has provided the late Pawa all the assistance necessary to ensure all her legal rights are respected and all legal procedures are followed.Government likewise exerted all efforts to preserve her life, including diplomatic means and appeals for compassion. Execution, however, could no longer be forestalled under Kuwaiti laws,” ani Abella.
Patuloy aniya ang pakikipagtulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamilya Pawa
“The Department of Foreign Affairs (DFA) is now closely coordinating with Ms. Pawa’s family and continues to facilitate assistance. We pray for her and her bereaved family,” sabi ni Abella.
Si Pawa ay hinatulan ng kamatayan ng Court of Cassation sa Kuwait noong 2010 dahil sa pagpatay sa 22-anyos anak na babae ng kanyang amo noong 2007.
Nagtapos ng kursong banking and finance si Pawa sa Zamboanga Arturo Eustaquio Colleges sa Zamboanga City, ngayo’y Universidad de Zamboanga, at may dalawang anak na may edad 18 at 16 anyos.
Nagsimulang magtrabaho sa Kuwait si Pawa noong 2002 at sa mga pagdinig sa kasong murder ay itinanggi na siya ang pumatay sa biktima bagkus ay mga kaanak nito ang salarin dahil may immoral na relasyon ito sa kapitbahay nilang lalaki.
(ROSE NOVENARIO)